ITANONG MO KAY ANENG!!! (except financial)

Sabi ni...

...People can hide all things, except two; one, that they are drunk, and two, that they are inLOVE...


Oct 30, 2009

Linsyak!! Nakalimutang mag-bra!!!

ISANG KAABANG-ABANG na ENTRY..
ABANGAN.. =))))

Oct 27, 2009

Nanggigil sa Goggles!

Wala akong ginagawa ngayon sa bahay kundi agawin ang kinakain ng kapatid ko na sikat na sikat ngayon sa buong panig ng Pilipinas na kung tawagin ng mga bata ay "yogurt" na lasang acetone na iba't iba ang kulay na nababalot sa plastic tube na maninipis at mahahaba na mabibili sa suking tindahan na pag kinain mo ay parang nakarating ka daw sa heaven. (hahaha. Ito ang pinakamahabang sentence na nagawa ko. tsk) Hindi ko lubos maisip kung bakit mabentang-mabenta iyon, naalala ko pa ang kaklase ko na bumili ng isang balot noon na kinagat ang kalokohan ng tindera na p50 for 50pcs raw.

Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula nang sumambulat sa pagmumukha ko ang grade ko na maaaring makita sa website ng school. Lahat ng major ko ay walang tumuntong sa line of 1, lahat dos, 2.25, o 2.50. Ngunit ang nakakatuwa dito, UNO ako sa SWIMMING! Habang sipsip-sipsip ko itong yogurt na ito na nasipsip na ng kapatid ko, naalala ko ang mga masasayang parte ng swimming class namin.

Kapag binibigyan kami ng time magpractice ng instructor namin, kung anu-ano ang naiisip naming pagtripan ng mga felix bakat kong kaibigan. Narito ang video:



May mga panahon naman na halos malunod na kami kakatawa sa mga kaklase naming idol si pacquiao sa paglangoy. Pero minsan ay naging sentro ako ng comedy ng buong klase dahil sa pangyayaring hindi na muling mababago pa. Naaalala ko pa ang mga minutong nakikipaglaban ako sa bawat hampas ng alon sa swimming pool(LOL).

Prelim exam na daw namin iyon at kailangan naming bagtasin ang dalawampu't limang metrong swimming pool sa pamamagitan ng "freestyle". Alphabetically ang paglangoy, kaya siyempre sa dulo ako. Kaunti lang ang nakatapos at marami ang napagtawanan at siyempre kasama din ako sa tumawa. Hindi ko alam na ako rin ay mapagtawanan maya-maya lamang.

Sa wakas, ako na ang lalangoy. Hiniram ko ang GOGGLES ng mahal kong kaklase na naging mitsiya ng aking chuva. Hindi ko naisip na sikipan ang goma, dahil na rin siguro sa kaba. Dahil mas malaki ang head circumference ng hiniraman ko kaysa sakin, nagkasya pa rin pero may kaunting allowance. (gets mo?) Sinenyasan ako ng instructor na simulan ko nang lumangoy. Pagkasipa na pagkasipa ko sa pader ng swimming pool para mag-glide, bumaba sa ilong ko ang pinakamagandang goggles sa balat ng lupa. Hindi ko pwedeng ayusin gamit ang kamay ko dahil lulubog ako. Hindi ko rin pwedeng itigil ang paglangoy dahil bawal ang take two! Habang lumalangoy ako, gustung-gusto ko nang tumawa pero naisip ko na baka maubos ang impok na hangin sa bibig ko. Pinigilan ko na lang ang sarili ko, linangoy ko hanggang sa makakaya ko habang nakasabit sa ilong ko ang goggles na malupet. Pero siyempre hindi ko nakayanan ang pagtawa, itinigil ko ang paglangoy at lahat sila ay mababali na ang panga sa kakatawa. Pati ang instructor ko ay hindi rin napigilang tumawa.

Moral Lesson: Huwag manghiram ng goggles lalo na sa may hydrocephalus.

Pait ng Pag-ibig

Nagtaka ka siguro kung bakit biglang nag-iba ang topic ko. Sa pamagat pa lang, alam na na hindi joke time itong entry na to, kaya magpapakaseryoso muna ako kahit papaano.

Marami na rin ang nakapagkwento sa akin ng istoryang ito: mga propesor at mga kapwa estudyante ng unibersidad na pinapasukan ko. Dahil sa kurso kong pagnanars, kaya naikukuwento sa amin ito ng propesor namin sa iba't ibang subjects noong freshmen pa kami dahil tampok ang nursing building sa pangyayaring ito. Lahat kami ay tinitindigan ng balahibo sa tuwing nabubuksan ang topic na ito. Ganito ang pagkakuwento sa amin:

Setyembre 29, 2000, nagimbala ang Arts building(ngayon ay Nursing bldg) dahil sa isang malakas na kalabog, kasunod ang sigawan at tilian ng mga nakakita ng nangyari. Di umano'y tumalon ang isang babaeng propesor na nagngangalang Maningning Miclat mula sa ika-pitong palapag. Ayon sa mga nakasaksi, bago siya tumalon ay tinanggal muna niya ang kanyang sapatos at umupo sa "railings". Matapos non ay ibinukas niya ang kanyang mga braso na animo'y parang lilipad sa hangin, at tumalon na patalikod. Siya ay dalawampu't walong taong gulang lang.

Kaya daw tumalon ang propesor na iyon ay dahil iniwan siya ng kanyang kasintahan.

Isang nakalulungkot na pangyayari, tama. Matapos ang pangyayaring ito, sunud-sunod na ang mga kwento na nagpaparamdam daw ang hindi matahimik na kaluluwa ng propesor sa mga silid na madalas nyang puntahan at sa ika-pitong palapag kung saan siya tumalon.

Napag-isipan kong i-research ang tungkol sa kanya. Laking gulat ko na isa pala siyang maituturing na gifted child dahil sa angking talento niya sa pagguhit, paggawa ng tula na nagsimula noon siya'y bata pa lamang. Ilang parangal din ang kanyang nakuha sa iba't ibang panig ng mundo. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang mga narating, nakakapanghinayang isipin na natapos ang lahat ng ito dahil sa isang lalake na iniwan siya. Dahil sa lubos na pagmamahal niya sa lalaking ito, hindi niya nakayanan ang hinagpis nang iniwan siya nito.

Napag-isip-isip ko tuloy na tama nga ang sinabi sa akin dati na ang mga taong matatalino, ay mahina pagdating sa emosyonal na bagay gaya ng pag-ibig.

Sa kabila ng lahat, mayroon paring magandang pangyayari matapos ang kanyang kamatayan. Nagkaroon siya ng isang Art Foundation na itinatag ng kanyang mahal sa buhay kasama ang mga taga-suporta niya.

Isa ito sa mga paborito kong sinulat niya:

Laughter

He left me
when he could
no longer stand the laughter

that I gave him
while he begged me not
to keep memories

alive in poems
to hurt myself
and make those
who read

sad. I laughed
when he shared
his life with me
while holding him

to make it easier
and maybe
less painful
to live on.

Laugh! I told
him, but
could not get
his attention.

Laugh! I asked
him, but
he left in
anger.

And left
before he understood
the courage
that held my laughter.

Oct 16, 2009

ALAMAT ng TANGA

yow! FIFTH Entry ko na ito. Kung ikaw ay nakapagbasa na ng mga nakaraan ko pang post, SALAMAT, tuluy-tuloy lang dapat ang suporta. haha. Kung ikaw naman ay first timer na magbasa ng entries ko, congrats. Alam mo, mas matutuwa ako kung magsusubscribe ka. nasa kanang bahagi ng tinititigan mo ngayong blog ang FOLLOW button para magsubscribe.

Da HU?!?! Clue: Mahilig siya sa GREEN...

PAST:


Noong kabataan ko pa(naks! lola), malimit akong umiiyak dahil tinutukso ako ng magulang at mga kapatid at ng lola ko(inshort, ng buong pamilya ko), dahil clumsy daw ako.

Parati akong nadadapa, nauuntog sa pader, nadudulas, nakakabasag ng pinggan, nabubunggo ang electric fan na nananahimik, at natatalisod sa sarili kong paa... (WOW. suicidal ka teh!)

Highlights: Parating kasama sa New Year's Resolution ko na hindi na ako magiging CLUMSY.

Moral Lesson: Huwag maniwala sa New Year's Resolution.

PRESENT:

Ngayong nasa kolehiyo na ako, ano pa sa tingin mo. Edi siyempre, wala pa ring pagbabago.
Sa halip na talikuran ko na ang aking nakaraan na puno ng katangahan. Eto, at patuloy pa ring namumukadkad. Sanay na din ang mga kaibigan at kaklase ko. Hindi daw mabubuo araw ko nang hindi nadadapa, natatalisod, nadudulas, etc.

Babala: Ang mga susunod na pangyayari ay hango sa tunay na buhay. Patnubay ng Magulang ay kailangan.



Featuring: DAKILANG TANGA a.k.a. DT.

Katangahan 1: (habang papaakyat ng hagdan papuntang FEU foodcourt)

<*PEEEP-PEEEP*>
tumunog ang radar ko, may makakasalubong na pogi na pababa ng hagdan.

DT: <*Titig na titig sa poging bumababa ng hagdan*>

. . . . . .hala sige. . . titig lang. . .


. . . . . . .At. . . . . . At. . . . . . . At . . . . . .


.<*BOOGSH*> nadapa sa hagdan at nauntog sa pwet ng kasamang nasa harap.


Katangahan 2 (sa isang LYING-IN, lumabas na ang baby na ako ang isa sa humugot/sumalo. Nagupit na ang cord. Taimtim ang midwife sa paghihila ng kaputol na umbilical cord na nakakakabit pa sa placenta na nasa loob pa ng sinapupunan ng nanay. (hmm!sarap kumain ng menudo)"

Midwife: <*hila*> . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . <*hala, sige hila pa*>

DT: Hahakbang, kaso sumabit ang paa ko sa kurdon ng spotlight (nakatutok sa tootoot ng nanay para makita mabuti ng midwife ang happenings)

<*TEN TEN NEN NEN*>

buti na lang nakaharang ang midwife kundi, alam mo na kung saan matutumba ang ilaw.


Katangahan 3: (overnight sa bahay ng kaklase)

Habang pababa ng hagdan na makipot si Dakilang Tanga, hindi nya napansin na bumababa pala sya ng hagdan dahil lulong pa sya sa tulog. Hindi sya nakatingin sa inaapakan, nang biglang...

<*LAGABAAAAGG!!!*>

Katulong: (Hindi makapagsalita ang tanging saksi sa katangahan)

DT: <*NAGULAT*>!!!!! hahahahahaha! wahahaha!!! (pero deep inside, masakit)

Klasmate 1: Oh!!! ano nangyari sayo!! wahahaha! Guys! Si andeng! hahahahah! NAHULOG SA HAGDAN! wahahahaha! ngyahahaha! bwahahahaa! hahahaha! (sige, ipagsigawan mo sa buong mundo, ok?)

Katangahan 4: (Nakikipagdaldalan sa kasama habang patawid ng kalsada)

DT: Alam mo ba si ano daw blah blah blah. . . . .

nang biglang may (ano bang tawag sa ilaw na animo'y naka-implant sa kalsada?) light device? na sumabit sa kanyang paa. Partida, nakaputi pa.

Ending: Madami ang saksi, congrats!

Katangahan 5: (Nagmamadaling bumaba ng Footbridge sa Pasay Rotonda)

Limang hakbang mula sa ibaba, doon nagsimula ang kanyang masalimuot na pagkahulog.

BAAGAAAAAG!!!!

Ending: Buti na lang medyo konti ang audience!

------------------------------------------------------
Patikim lang ang lahat ng yan. Pero, kahit madapa, madulas, mahulog, matalisod, at bumalentong ako, taas noo pa rin akong tatayo at itatago ang hiya. Ayon nga kay pareng Les Brown:

"If you fall, fall on your back. If you can look up, you can get up.
"

Over-all Moral Lesson: .meron nga ba? parang wala.

Oct 15, 2009

R18!!!

At sa wakas, matapos ang mahigit sampung araw na hindi ako nakakapagpost dito sa walang kakwenta-kwenta kong blog, sino nga ba naman ang makakapagsabi na buhay pa rin ako ngayon matapos ang unit exam sa micro&para.

Dahil espesyal itong araw na ito, espesyal din aking ishe-share. naks.

Nagising ako kaninang umaga ng 4:30, dahil magrereview ako. Pero syempre, nagising nanaman ako para patayin ang papampam na alarm ng cellphone ko. At gaya ng dati, binalikan ko ulit ang panaginip ko. Matapos ang mahimbing kong pagtulog, napagpasyahan ko na ding tumayo mula sa kama at pumunta sa banyo para maligo. Ngunit dahil may kasabihan nag tayo na "lokohin mo man ang lasing, wag lang ang bagong gising", nagulumihanan ako sa nasaksihan ko.
Nakikita mo yang picture na yan? Dahil diyan, nawala ang antok ko. Unang una sa lahat. hindi naman talaga ako takot sa ipis. As in! Hindi ako katulad ng iba na makakita lang eh nagtatatalon na with matching tili pa. Pero ibang klase itong ipis na ito, Nung unang sulyap ko, parang nakakakilabot kasi akala mo iisang ipis lang yun na madaming paa! Sinubukan kong tapikin ang pinto, aba! gumalaw! at sabay na sabay ang pagkakagalaw! Matapos ang ilang segundo, saka lang naproseso ng aking hypothalamus na hindi iyon iisang ipis lamang! Samakatwid ay dalawa sila!!!! OMG!!! Anak ng! Dahil rated PG masyado ang pinakita nila, nakayanan ko pang kuhanan sila ng litrato.
Kayo na ang bahalang humusga sa post ko na ito. ok?


Moral Lesson: Huwag magkwan sa banyo.

Oct 1, 2009

Sino ang tunay na baliw?


Dahil tinatamad na ako magbasa ng sandamakmak na medical terms ng limang-kilong libro ko sa anatomy(nagbabalik aral lang ako), narito ang panibagong entry.

Nais kong magbalik tanaw sa mga nakakatawang parte ng aking buhay.

STORY 1: BINGI

Nanay: (naglilinis ng ewan mula sa kabilang bundok) ANAAAAAKKK!!!!, pakikuha nga yung tabo.

Anak: (Taimtim na nanonood ng hayden kho scandal sa _____) Ano ma? Yung platooooo??

Nanay: OO, yung TABOOOooooo!!

~nasa genes lang yan

STORY 2: MOST IN GRAMMAR

Sa isang Journalism Class, nagreport ang isang estudyante.
Matapos ang kanyang report, tinanong ng guro ang buong klase kung ano ang masasabi nila sa report ng kaklase nila.
Eto ang kanilang sagot:

Student1: Mam, uhm, uhm, i think, uhm, the, uhm, report is, uhm, ok. (OK. SIT DOWN)

Student2: Thi ripowt iz a lil bit bowring, en buh-sayds, thi riporter iz nut.. ( takteng yan. sarap sabihin to sa kanya, "do you know harry-powtah-in-a-mow?, that's harry potter in a mall." wahahaha)

Student 3: <*TEN-TEN-NEN-NEN*> I think the report is CONFUSABLE. (bravo!!!, ate, confusing ata iyon?? wahahahaha..)

~hulaan nyo kung sino nagsabi non. (clue?, mahilig sya sa green)



SCENE 3: EXAM

Sa isang elementary school, habang nageexam:

Guro: (nagbabasa ng panuto) Itiman ang bilog ng tamang sagot...

Studyante: (buong tapang na humirit) Maam, panu yan??? Blue bolpen ko.

~wala akong masabi, syempre, isa ako sa tumawa.


SCENE 4: ANG JACKSTONE

Magkapatid na naglalaro ng jackstone...



Kapatid1: (nagyabang at nagpakita ng tricks sa kanyang dalawang taong kapatid) Kaya mo toh. MILO yan... OHA. OHA.

Kapatid 2: (nakipagsabayan) Ay panget. Sakin GATAS.


~sige. inumin mo jackstone.


SCENE 5: PLANTSA

Ayoko masyadong magbigay ng impormasyon. basahin nyo na lang.. haha..

May isang estudyanteng babae, itago natin siya sa pangalang Milagrosa(kulot sya), pinansin nya ang kanyang kaklaseng gusot ang damit na ang pangalan ay.. uhm.. itago natin siya sa pangalang Michael.

Milagrosa: Hoy michael, anu ba naman yang uniform mo. Hinahabol ng plantsa!

Michael: Kapal mo! Yung buhok mo nga yung hinahabol ng plantsa e!

~sa totoo lang, sa isip lang sinabi yan ni michael. kinimkim nya ang sama ng loob. at muntik na syang mabaliw.
Moral lesson: huwag kimkimin.


SCENE 6: BLUSH

Isang propesor ang nagjoke.

Propesor: Paano mo malalaman na nagblush ang isang taong maitim.

<*nanahimik ang klase*>

SIREEEEEET!!!!

Propesor: Edi sasabihin niya..

~hindi ako natamaan doon. promise.


Ngayon, ikaw na ang bahalang humusga kung sino ang tunay na baliw...