Unang una sa lahat, OFFICIAL BLOGGER na ako ngayon!(yehey!^^)
Dahil Filipino blog ito, susubukan kong magpakadugo sa tagalog para sa kapakanan ng mga mambabasa. Pero subok lang.
Setyembre 26,2009. Hindi ko alam kung ang araw na iyon ang pagdating ng Bagyong Ondoy sa “area of responsibility” ng Pilipinas, dahil hindi naman ako mahilig manood ng telebisyon sa mga panahong ito (Katorse lang talaga ang pinapanood ko). Pasado 4:30 am na noong nagising ako. Umuulan. Malamig. Ang tangi ko lamang natatandaan ay ang nanay kong nakahiga sa kama na nag-dilang anghel: “Baka walang pasok, umuulan e.”. Hindi ako nagpaapekto sa sinabi niya dahil maraming gumugulo sa isip at diwa kong lulong pa sa tulog. Ilan sa mga ito ay ang mga ss:
Una, kailangan kong i-sacrifice ang unang subject ko dahil may mahalaga pa akong misyon na dapat gampanan sa aming church(INC po).
Pangalawa, hahabol na lang ako sa first subject ko kung kakayanin, dahil baka may QUIZ!
Pangatlo, Namumulubi ako sa pera.(parati naman)
Pang-apat, Tungkulin kong mag-reply sa mga kaklase kong sandamakmak na nagte-text kung may pasok ba.
Pang-lima, Paano ko sila rereply-an kung wala naman akong load? So, magpapaload ba ako?
Pang-anim, Namumulubi ka na nga, tapos magpapaload ka pa.
Pang-pito, Ako ang mangongolekta ng Lab reports sa Microbio.(hindi dahil sa martyr ako, ngunit ako ang pinakatamad na presidente ng klase)
Pang-walo, May chismis na may Quiz daw kami sa last subject namin. Kaya sa skul na lang ako mag-aaral (tulad ng nakasanayan)
Pang-huli, Uuwi ako ng maaga (slash TATAKAS) mula sa Last subject ko dahil may importante ulit akong gagawin.
Inshort, SUPERHUMAN-in-checkered-green-and-yellow-uniform ako that day.
Hindi na ako nagbreakfast. Kundi naligo, nagtoothbrush, nagbihis, nagsuot ng contact lens(pag wala ito, bulag ako), nagpulbo, nagpabango, at naghanap ako ng payong. Malaking problema iyan. Tinanong ko ang lola ko kung nasaan na ang payong na folding. Sinagot nya ako na dinala ko daw yon kahapon. Nagflashback sa memory ko na naiwan ko pala ito sa physics room. Ang tanging payong na naiwan sa bahay ay yung mahabang hawakan na makikita mong dala-dala ng nanay o tatay mo pagpupunta kung saan lalo na sa palengke. No choice dahil sawang-sawa na ako sa pakikipagpatintero sa bawat patak ng ulan sa daan. Umalis ako ng bahay na dala-dala ang pag-asa na sana maging successful ang araw ito. (sana lang) at dala-dala na rin ang payong na may tatak na “mister donut”.
UNANG DESTINASYON: (KAPILYA)
Sa totoo lang, magbabahay-bahay kami noon sa mga inactive. Ang hirap talaga i-explain kaya pasensya na. Basta natapos yoon ng 7:30 am. Kamusta naman. 7:30 din pasok ko. Biniro pa ako ng kasama ko:
Siya: “Anong oras pasok mo?”
Ako: “7:30 po”
SIya: “Wow! Sakto lang ah. Sige alis ka na, hahaha”
The end
Hindi niya alam na isang oras pa bago ako makarating sa patutunguhan ko.
2nd DESTINASYON: (FEU-Manila)
Kabado akong sumakay ng tricycle, tricycle pa ulit, at nagjeep, at nag-lrt mula EDSA hanggang DOROTEO JOSE. 12 stations ata yun. Oh diba. Iyan ang araw-araw kong buhay sa umaga.
Pagbaba ko ng d.jose station, hindi ko alintana ang pagbuhos ng ulan habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep sa may kanto ng Recto, hawak-hawak ang pinakamagandang payong sa balat ng lupa.
Sumakay ako ng JEEP…
At ito ang mga sumunod na nangyari:
HIGHLIGHTS:
May tumabi sa kanan ko na isang lalaki na kayumanggi, 25-35 siguro, nakaputing tshirt at maong na pantalon. Normal na ang krimen sa Maynila, lalo na at nasa Recto ka. Minsan na din akong naging biktima noong 3rd day ng klase ko noong 1st yr ako. Hindi naman lingid sa akin kung ano ang ginagawa niya. Dumukot siya sa bulsa nya na kadikit ng bulsa ng palda ko (siksikan sa jeep). Ang natatandaan ko ay isang hamak na suklay lang ang laman ng bulsa ko. Normal sa pasahero na dumukot ng pambayad. Pero hindi normal na matagalan ng sampung segundo ang pagdukot at dumudukot habang nakatingin sa katabi. Nang mapagtanto nya na suklay lang ang laman ng bulsa ko, dali-dali siyang bumaba. Nagtinginan sa akin ang ibang pasahero. Naisip nila ang naisip ko. Syempre, ako ang nagwagi. The end.
Bumaba ako sa Gate 3 ng unibersidad ko. Nagmamadali akong umakyat ng 5th floor ng Nursing building. 8:45 na nang dumating ako. Hindi pa tapos ang first subject. Sumilip ako sa mula sa glass portion(pakitagalog na lang) ng pinto. Nakita kong nagtuturo ang guro namin. Kinawayan ko ang mga kaklase kong taimtim na nakikinig at natutulog. Lumabas ang isa at sinamahan ko siya sa CR para suminga.(bongga). Ayon sa kanya, wala naman daw quiz, pero siyempre absent ako sa attendance. Dahil sa takot na baka pagalitan ako kung papasok pa ako ng room, naghintay na lang ako sa CR habang nakikipagtitgan sa sarili sa loob ng kinse minuto.
Sa wakas, hindi naman nabasag ang salamin na kanina ko pa tinititigan. Naglabasan na ang mga kaklase ko,. Tanda na tapos na ang klase. Lahat ng barkada ko ay nakangiwi sa akin. Swerte ko daw dahil wala daw quiz. Iniba ko ang usapan at kinuwento ko ang kagila-gilalas na pangyayari sa jeep kanina. Naglakad kami papunta sa 2nd subject naming sa kabilang building. Malamang, bida na naman ako sa kuwento.
Pagdating sa physics room, hinanap ko ang naiwan kong payong na folding. Tulad ng inaasahan ko, wala na ito roon. Nalungkot ako at umabot ng tatlong segundo bago ko natutunang ngumiti (mula kay bob ong). Tinanggap ko na lang na wala na ang payong na iyon at nagmove-on,
Lahat ay busy at paroo’t parito sa bawat sulok ng kwarto para mangopya ng sagot sa Lab reports sa Microbio, isa na ako doon. Sa gitna ng talamak na kopyahan, dumating ang pinakapoging propesor sa balat ng feu. Napakganda ng entranda nya:
Sir: “Ok class, Antayin na lang natin na masuspend ang klase.”
(Nagsigawan ang buong mundo.)
Lahat kami ay nag-abang ng announcement. Pero hindi kami masyadong umaasa sapagkat masuspend man ang buong school sa Maynila, hindi pa suspendido sa FEU. Matapos ang isang oras ng pakikipagkwentuhan sa kaklase na suspended na ang USTE, bigla na lang nagsigawan ang mga tao sa hallway. Suspended na nga. Ito ang pinakamagandang parte sa buhay ng estudyante.
Bago umalis ang lahat ng kaklase ko, ipinasa nila sa akin ang mga lab reports at siyempre, ang mga kaibigan ko ang nahuling umalis ng klase. Sinamahan nila akong ipasa ito sa faculty room. Pagkatapos ay nagpaalam na kami sa isa’t isa. Apat na lang kaming sabay sabay umuwi. Ngunit 11am na iyon at hindi pa ako nagbreakfast katulad nila. Kaya kumain kami saglit sa TAYUMANsa lob ng campus(nakatayo kasi pagkakain kaya ganyan ang name). Doon pa lang, hanggang sakong na ang baha. Habang kumakain ng ham and cheese sandwich, may kumalabit sa akin. Aba, ang long time no see kong classmate nung 1st yr na nagshift ng Masscom. Matapos makipagchikahan tungkol sa barn buddy at resto city, sabay sabay na kaming umuwi.
3rd DESTINASYON (LRT- DOROTEO JOSE)
Dito nagsimula ang kalbaryo. Nagpaa yung dalawa kong kasama dahil babaho daw ang sapatos pag nabasa. Baha na along Recto. Para hindi kami lumusong sa gabewang na baha, nag-underpass kami. Pero matapos nun, wala talagang kawala sa baha, magpepedicab sana kami kaso bente daw. Tubong lugaw no. Nagalit pa yung driver nung hindi kami sumakay. Tapos nakangiti pa kaming naglakad papuntang Isetann mall pero hanggang paa pa lang ang baha at hindi kulay itim. Bumili yung mga kasama ko ng chinelas worth p35. Hindi nila pinatulan yung p95 na havaianas. Haha. Bibili sana ako, pero namumulubi nga ako diba.. Napagdesisyunan naming na sa LRT-2 na lang kami aakyat tapos may daan na doon papuntang LRT-1. Pero baha na papunta doon at itim na itim ang tubig. Naalala ko na may open wound ako sa paa. Yung isa kong kasama, may open wound talaga sa binti, kaya nagpedi cab kami, p5 daw. Ok fine. Sunggab. Pero yung kasama naming tatlo, lulusong na lang daw. Kaya sa LRT-2 na lang kami nagkita. Sulit naman ang limang piso.
Kasama1: “Kadiri lumusong sa baha. Nawala poise ko dun ah,”
Kasama2: “Oo nga eh., May sumabit pang tootoot(clue:buhok) sa paa ko. Kanino kaya yun hahaha.”
Laspag kaming naglakad mula LRT2 hanggang LRT1. Dalawa na lang kami ng kasama ko. Taga-taguig din kasi siya. Yung tatlo naman, papuntang Monumento.
4th DESTINASYON (PASAY ROTONDA and AYALA)
UMUULAN!!!
Mula Doroteo jose station, sumakay kami ng LRT hanggang Edsa-Taft Ave.
Pag-baba ng Pasay Rotonda, napatulala kami sa aming nakita. Ang Main Road na daanan ng iba’t ibang ruta ay nagging INSTANT LAWA na! Wala kang makikitang usok ng sasakyan dahil puro bata na lamang na nagfreestyle at backstroke at star float ang makikita mo. Kaya no choice kami ng kasama ko.
“Tara, MRT tayo.”. Yan ang tangi naming nasambit. Sumakay kami ng MRT at bumaba sa Ayala. Basang basa na ang palda namin. Katulad ng inaasahan, walang bus o fx na papuntang FTI. Mawawalan na kami ng pag-asang makauwi pero naisipan naming na sumakay sa Global City Bus na papuntang Market!Market!.
Sobrang sakit na ng paa naming kakalakad pero tinyaga namin. Pagdating doon, walang BUS!!! Andaming naghihitay na tao sa malaking waiting shed. Nagpahinga kami saglit ng kasama ko. Matapos ang kinse minuto ay dumating ang bus. Dahil sa kasabikang umuwi, nauna kami sa pila. Wala kaming paki kung magalit yung mga tao sa likod namin. Tsk. Ayun, nakaupo din kami sa bus sa wakas pero diyahe din kasi pwedeng pigaan yung palda namin. At ginaw na ginaw na kami. Pasado 2:00pm nung nakasakay kami sa bus.
5th DESTINASYON (MARKET!MARKET!)
2:35pm kami nakarating sa Market!Market!. Pero tulad ng inaasahan, walang jip! Kahit taxi ayaw magpasakay kasi BAHA DAW SA C5!! Potek.. goodluck!
Tinawagan ng kasama ko ang nanay nya paramagpasundo. Ganun din ginawa ko pero pareho lang ang sinagot sa amin..
“BAHA, WALANG MASAKYAN DITO”
“ PAANO PUPUNTA DIYAN EH BAHA NGA.”..
“MAGPATILA KAYO MUNA”
“MAGLAKAD NA LANG KAYO!”
Nainis na ang kasama ko sa nanay niya kasi binabaan pa daw siya ng telepono.(natawa ako sa reaksyon nya grabe)
Mahirap man tanggapin na sobrang layo kung lalakarin namin, tinanggap na lang naming at sinimulang maglakad.
Nakakita kami ng Julie’s Bakeshop malapit sa Entrance ng Mall. Bumili kami para hindi tamarin sa paglalakad.
Nagawa pa naming magbiro.
Kasama: “Bakit andami mong binili?”
Ako: “Hanggang bukas pa ito. Habang naglalakad.”
HIGHLIGHTS: ARJAPA TAXI TWK-654
Sinimulang naming ng 3pm ang paglalakad. Hindi lang pala kami ang nakaisip maglakad, Maraming tao ang nag-aalay lakad dahil walang masakyan. Nang makarating kami ng Petron, May nagmagandang loob sa amin na tricycle driver para isakay kami. Siningil kami ng p10. Malapit sa BCDA kami ibinaba. Doon lamang naming naintindihan ang pangyayari. Kaya pala walang masakyan ay dahil hanggang dibdib na daw ang baha sa C5. Kinabahan ang kasama ko dahil hanggang dibdib ko lang siya.(totoo yan) Nagcounterflow na din ang mga sasakyan. Wala na kaming magawa. Papanawan na sana kami ng pag-asa nang biglang nakita naming ang TAXI ng kasama ko. Sumakay kami at sumubok ng ibang ruta. Idinaan sa McKinley papuntang C5. Trapik pa din sa aming biyahe. Basa na ang inuupuan ko. Sa loob ng taxi, napagisipan kong buksan ang bag ko. Muntik na akong maiyak sa nangyari. Basa ang libro at notebook ko. Pati ang test paper ko sa physics na ipapakita ko pa sana sa mama ko. Lahat yun, basa. Naghawa-hawa ng kulay ng tinta.
Ibinaba ako sa kanto namin. Pagkauwi ng bahay, nagpainit ako ng tubig dahil nangangatog na ako sa lamig. Pag di naagapan, baka magmistulang Jack ako sa Titanic.
Sa kahuli-hulihan, nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil buhay akong nakauwi ng bahay at hindi ako inanod ng baha at hindi naputol ang paa ko sa paglalakad at hindi ako nagkahypothermia at hindi binaha ang bahay namin at walang quiz sa major namin.
First time kong makaranas nito kaya shineshare ko lang.
ALam ko na sisiw pa itong dinanas ko kumpara sa dinanas ng ibang tao na nawalan ng tirahan at ari-arian, at ang masaklap ay nakitil ang buhay. Ang mahalaga, humihinga pa rin tayo ngayon. Pangalawang buhay na ito kung tutuusin. Kaya huwag natin sayangin ito. Maging makabuluhan sana ang bawat isa sa atin.
Moral Lesson: Mother knows the best.
P.S. MARAMING THANK YOU KAY PRECIOUS ANNE ARRANGUEZ a.k.a. P.A. at kay MANONG TAXI DRIVER NILA. KUNG HINDI DAHIL SA INYO, EWAN NA LANG..