ITANONG MO KAY ANENG!!! (except financial)

Sabi ni...

...People can hide all things, except two; one, that they are drunk, and two, that they are inLOVE...


Dec 28, 2009

kakornihan


Malapit ng pumatak ang alas-dose ng hatinggabi.
Andito pa rin si Aneng. Nakadukdok sa harap ng kompyuter.
Nag-iisip ng magandang itapal sa blog at pagsaluhan ng blogero't blogera.
Biglang napasulyap sa isang litrato sa facebook.
Napabasa, napangiti. Hayun, tinamaan ng lintik.
AHA! alam ko na!


♥♥♥♥♥

Swak na swak ang litratong iyan sa aking kuwento.
Naalala ko na naman ang mga masasalimuot na pangyayari
ilang linggo pa lang ang nakakalipas.

SELF-STUDY! - iyan ang dapat gawin kung may propesor kang tamad magturo.
o kaya yung tipong may-ari ng sikat na xeroxan sa tabi-tabi na
nagbibigay ng walang kamatayang HAND-OUTS!
Sa isip-isip ko, hindi naman ako nagbabayad para lang sa pamunas ng pwet!
Haaay... Ngunit bago mapunta sa pwet ang usapan, nagtuturo pa rin naman ang propesor na iyon, kaya lang binabasa niya din ang mga handouts nya.
Walang explanation! Yung tipong pag ninakaw ko yung hawak niyang handouts ay tapos na ang klase at papauwiin nya kami, sabay sabing "OK CLASS, NAWAWALA ANG HANDOUTS KO. HAHANAPIN KO MUNA. DISMISS NA KAYO"

Ok fine. Pero sa lahat ng tinuro niya, may isang bagay na kumatok at naglaro ng aking imahinasyon. Pilit kong inuunawa ang tinuro niyang iyon ngunit nalilito talaga ako.

ANO ANG PAGKAKAIBA NG ESSENTIAL NUTRIENTS SA NON-ESSENTIAL NUTRIENTS!?!?!

Essential Nutrient = nutrients that our body cannot produce. We can't create it on our own.
Non-essential Nutrients = nutrients that our body can produce. We can create it on our own.


Dahil sa angking kawirduhan ko, akalain mo ba namang nai-relate ko ito sa PAG-IBIG!!! (anak ng tinapang yan!)

Ganito ka-simple:
Kadalasan, ang taong nagmamahal sa iyo ay hindi mo gaanong nabibigyan ng pagpapahalaga.
Katulad ng non essential nutrients, hindi itinuturing na mahalaga ang bagay na nasa iyo na dahil siguro kakabit mo na siya at kahit anong mangyari ay andiyan lamang siya.

Sa kabilang banda,
katulad ng Essential nutrients, itinuturing nating mahalaga ang wala sa atin. Kapag umalis na ang taong hindi mo nabibigyan ng halaga o importansya, saka mo lang naisip na importante pala siya sa iyo, dahil ngayo'y umalis na siya at wala na siya sa iyo.

Parang ganito lang yan:

Never take someone for granted. maybe by now they are always there doing ordinary things again and again and sometimes it doesn't make sense. but you'll never know the importance of that person until they choose to leave and you realized how badly you missed that person and all that 'non-sense' things that s/he used to do. for s/he is the only one who can turn 'ordinary' into something 'special'.
(sino ba may sabi nito? di ko tuloy ma-acknowledge. hmmmp)


Dahil diyan, hindi na ako nalilito.

sabihin nyo nga. INLOVE BA AKO?!
(patay tayo diyan)
♥♥♥♥♥

12 comments:

  1. huwaw naman! nutrients and love...

    magandang bisnes yun ah... xerox. kaya ako mag-aaral ulit. kuha ng educ.. haha!

    anyway, eto URL ng blogger ko para mapalo mo ako: http://www.titikninuno.co.cc/

    ReplyDelete
  2. Kala ko ung unang pix lang post mo, dami ko na sanang comment...nakalimutan ko tuloy lahat nung nabasa ko ung kasunod ng pix lolzz

    Tama ka, bigyan natin halaga kung ano ang meron tayo ngayon, at mas lalo pa sanang bigyang halaga ang mga darating na para sa atin dahil baka hindi mo alam na yun na ang huling makakasama mo sya. :D

    Usyoso lang hehehe

    ReplyDelete
  3. hahaha inlababo ka yata sis ah... naks naman!!! kelan kasalan? joke lang

    happy new year na lang sa iyo at stey in love wahahaha wag lang papakatanaga...

    ReplyDelete
  4. Ui, dalaga n c Aneng marunong ng mainlab lolz! Paburger nmn jan! jijiji...

    ReplyDelete
  5. @ taga-bundok - seryoso kuya? 2nd course ba? mahusay. hahaha cge guguluhin ko site mo.wahhaa

    ReplyDelete
  6. @LORD CM - hahaha. adik naman. cge. magpopost pa ako ng mga pix na ganyan..

    @kuya saul - grabe naman un. hahaha..di pa nga ako marunong mag CPR eh, kasalan na agad. bwahahaha.. happy new yr too..

    ReplyDelete
  7. @kuya jag -wahahaha.. asa naman..

    ReplyDelete
  8. aneng nakoo...napapadalas ang love post mo ha.. ahehe anu yan inlababo?

    hihi

    ReplyDelete
  9. @ayu - wahehe. galad to help. talaga? haha. good. may silbi pala ang pinagpopost ko. ;)

    ReplyDelete
  10. @renz. - grabi naman. haha. wag naman. auq pa. wahaha. ;)

    ReplyDelete
  11. di ko kinaya ang comparison. hehe but you have a point. here's to a healthy body and a healthy heart! cheers! ♥

    ReplyDelete
  12. @ chyng - haha. kaya nga po e.. cheers!! ♥

    ReplyDelete