ITANONG MO KAY ANENG!!! (except financial)

Sabi ni...

...People can hide all things, except two; one, that they are drunk, and two, that they are inLOVE...


Oct 27, 2009

Pait ng Pag-ibig

Nagtaka ka siguro kung bakit biglang nag-iba ang topic ko. Sa pamagat pa lang, alam na na hindi joke time itong entry na to, kaya magpapakaseryoso muna ako kahit papaano.

Marami na rin ang nakapagkwento sa akin ng istoryang ito: mga propesor at mga kapwa estudyante ng unibersidad na pinapasukan ko. Dahil sa kurso kong pagnanars, kaya naikukuwento sa amin ito ng propesor namin sa iba't ibang subjects noong freshmen pa kami dahil tampok ang nursing building sa pangyayaring ito. Lahat kami ay tinitindigan ng balahibo sa tuwing nabubuksan ang topic na ito. Ganito ang pagkakuwento sa amin:

Setyembre 29, 2000, nagimbala ang Arts building(ngayon ay Nursing bldg) dahil sa isang malakas na kalabog, kasunod ang sigawan at tilian ng mga nakakita ng nangyari. Di umano'y tumalon ang isang babaeng propesor na nagngangalang Maningning Miclat mula sa ika-pitong palapag. Ayon sa mga nakasaksi, bago siya tumalon ay tinanggal muna niya ang kanyang sapatos at umupo sa "railings". Matapos non ay ibinukas niya ang kanyang mga braso na animo'y parang lilipad sa hangin, at tumalon na patalikod. Siya ay dalawampu't walong taong gulang lang.

Kaya daw tumalon ang propesor na iyon ay dahil iniwan siya ng kanyang kasintahan.

Isang nakalulungkot na pangyayari, tama. Matapos ang pangyayaring ito, sunud-sunod na ang mga kwento na nagpaparamdam daw ang hindi matahimik na kaluluwa ng propesor sa mga silid na madalas nyang puntahan at sa ika-pitong palapag kung saan siya tumalon.

Napag-isipan kong i-research ang tungkol sa kanya. Laking gulat ko na isa pala siyang maituturing na gifted child dahil sa angking talento niya sa pagguhit, paggawa ng tula na nagsimula noon siya'y bata pa lamang. Ilang parangal din ang kanyang nakuha sa iba't ibang panig ng mundo. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang mga narating, nakakapanghinayang isipin na natapos ang lahat ng ito dahil sa isang lalake na iniwan siya. Dahil sa lubos na pagmamahal niya sa lalaking ito, hindi niya nakayanan ang hinagpis nang iniwan siya nito.

Napag-isip-isip ko tuloy na tama nga ang sinabi sa akin dati na ang mga taong matatalino, ay mahina pagdating sa emosyonal na bagay gaya ng pag-ibig.

Sa kabila ng lahat, mayroon paring magandang pangyayari matapos ang kanyang kamatayan. Nagkaroon siya ng isang Art Foundation na itinatag ng kanyang mahal sa buhay kasama ang mga taga-suporta niya.

Isa ito sa mga paborito kong sinulat niya:

Laughter

He left me
when he could
no longer stand the laughter

that I gave him
while he begged me not
to keep memories

alive in poems
to hurt myself
and make those
who read

sad. I laughed
when he shared
his life with me
while holding him

to make it easier
and maybe
less painful
to live on.

Laugh! I told
him, but
could not get
his attention.

Laugh! I asked
him, but
he left in
anger.

And left
before he understood
the courage
that held my laughter.

No comments:

Post a Comment