thanks po. ;) sa Signal Village po ako. kinuha ko lang po yun somewhere in the internet. i forgot po the website. hehe. thanks for visiting!
ITANONG MO KAY ANENG!!! (except financial)
Sabi ni...
...People can hide all things, except two; one, that they are drunk, and two, that they are inLOVE...
Aug 20, 2010
Mar 20, 2010
Jan 30, 2010
WARNING! educational ito.. ;)
Nawa'y makatulong ito sa inyo.
Ciao. ;)
5 Things You Never Knew Your
Cell Phone Could Do
For all the folks with cell phones. (This should be printed and kept
in your car, purse, and wallet. Good information to have with
you.) There are a few things that can be done in times of
grave emergencies.Your mobile phone can actually be a life
saver or an emergency tool for survival. Check out the things that
you can do with it:
FIRST
Emergency
The Emergency Number worldwide for Mobile is 112. If you find Yourself
out of the coverage area of your mobile network and there is an
Emergency, dial 112 and the mobile will search any existing
network to Establish the emergency number for you, and
interestingly, this number 112 can be dialed even if the keypad is
locked. Try it out.
SECOND
Have you locked your keys in the car?
Does your car have remote keyless entry? This may come in handy someday.. Good reason to own a cell phone: If you lock your keys In the car and the spare keys are at home, call someone at home on their cell phone from your cell phone. Hold your cell phone about a foot from your
car door and have the person at your home press the unlock button,
holding it near the mobile phone on their end. Your car will
unlock. Saves someone from having to drive your keys to you.
Distance is no object. You could be hundreds of miles away, and if
you can reach someone who has the other ‘remote’ for your car, you
can unlock the doors (or the trunk).
Editor’s Note:
It works fine! We tried it out and it unlocked our car over a cell phone!’
THIRD
Hidden Battery Power
Imagine your cell battery is very low. To activate, press the keys
*3370#. Your cell phone will restart with this reserve and the instrument
will show a 50% increase in battery. This reserve will get charged
when you charge your cell phone next time.
FOURTH
How to disable a STOLEN mobile phone?
To check your Mobile phone’s serial number, key in the following
Digits on your phone:
*#06#.
A 15-digit code will appear on the screen. This number is unique
to your handset. Write it down and keep it somewhere safe.
If your phone gets stolen, you can phone your service provider and
give them this code. They will then be able to block your handset
so even if the thief changes the SIM card, your phone will be totally useless. You probably won’t get your phone back, but at least you know that whoever stole it can’t use/sell it either. If everybody does this, there would be no point in people stealing mobile phones.
And Finally…..
FIFTH
Free Directory Service for Cells
Cell phone companies are charging us $1.00 to $1.75 or more for 411 information calls when they don’t have to. Most of us do not carry a telephone directory in our vehicle, which makes this situation even more of a problem. When you need to use the 411 information option, simply dial:
(800)FREE411, or (800) 373-3411
without incurring any charge at all. Program this into your cell phone now.
This is the kind of information people don’t mind receiving, so pass it on to your family and friends
ACKNOWLEDGEMENT:
http://jeeeeeen.tumblr.com
Jan 17, 2010
eksena si kuya!
Sorry sa mga naghintay ng post kong ito.Hell week. Bukas, magbabahaybahayan ulit kami sa ANGONO hanggang sabado, dahil sa duty. Kaya bago matengga itong porn site ko ng almost 2days, narito ang pambawi...
Maaga pa.
Isang oras bago magsimula ang klase.
Nakaupo ako sa may corridor.
Nagbabasa. Nagrereview dahil sa takot na sumemplang sa quiz.
Habang nahihilo akong kabisaduhin ang mga pangalan ng gamot na pampatanggal ng hilo,
bigla na lamang nayanig ang buong building dahil sa tiliian at sigawan at hiyawan.
Napatingin ang lahat sa ikaapat na palapag,
at doon ay sumambulat ang isang TARPAULIN
na hawak-hawak ng tatlong makikisig "slash" alpakapalmuks na lalaki.
Napatayo ako sa pagkakasalampak sa sahig.
Nakiusyoso. Nakisingit. Hayun.
Ang nagbabagang pulang "I LOVE YOU"
Napangisi ako.
Sa mga panahong ito, bihira na lang ang mga mala-John Lloyd na moves.
Hinanap namin kung nasaan ang master mind ng eksenang ito.
Napatingin na lang kami sa may 3rd floor kung saang may nakaluhod na lalaki sa gitna ng kumpulan.
Kumabog ang puso ko sa ginawa niya.
Napatulala ang babaeng nasa harap niya.
At maya-maya lamang ay nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao doon.
Nakipalpak naman at nakisigaw kami.
Sinagot na nga siya ng babae!
Sa puntong iyon,
parang may kumiliti sa tagiliran tagos hanggang bituka ko.
GRABE! KAKILIG!!!
Makalipas ang ilang araw,
nabalitaan na lang namin na pinadala sa discipline office ang mga sangkot sa eksenang iyon.
haaaay.
ang korni talaga ng buhay.
~~~~~♥~~~~~
Jan 12, 2010
TOUCH MOVE!!!!!!
may iba dapat akong entry ngayon.
Kaso biglaan.
Hindi ko kakayaning ipagsantabi ito.
Hindi ko kakayaning hindi mailabas ito.
Moment ko ito.
Wala munang eepal.
~~~~~~~~♥♥♥~~~~~~~~
PURO SANA
Napakabilis ng pangyayari.
Sana hindi na lang kita nakilala,
Sana hindi na lang kita nakita,
Sana hindi na lang kita kinausap,
Sana hindi ko na lang nireplyan mga text mo,
Sana itinulog ko na lang ang mga gabing nagpuyat ako
kakatext sayo,
Sana hindi na lang kita nahuling parating nakatingin sakin,
Sana hindi na lang kita kinuwentuhan ng buhay ko,
Sana hindi ka na lang nagpakita ng motibo,
Sana hindi na lang ako inasar ng mga kaibigan ko sa'yo,
Sana hindi ko na lang pinaniwalaan ang lahat ng mga banat mo,
Sana hindi ko na lang pinaniwalaang mahal mo ako.
Pero sana hindi mo na lang din ako nakilala,
Sana hindi mo na lang din ako kinausap,
Sana hindi ka na lang din nagtext,
Sana hindi ka na lang din nagpuyat kakatext sa akin,
Sana hindi ka na lang nagpahuling tumitingin sa akin,
Sana hindi mo na lang din pina-kwento ang buhay ko,
Sana hindi ka na lang din nagpakita ng motibo,
Sana hindi ka na lang inasar ng mga kaibigan ko sa'kin,
Sana hindi ka na lang bumabanat ng mga cheesing banat,
Sana hindi mo na lang sinabing mahal mo ako,
kung babawiin mo rin lang...
Para sana hindi ka humihiling ngayon na maibalik ang dating pagkakaibigan,
Dahil bigyan mo man ako ng isang milyong dahilan kung paano,
Bibigyan naman kita ng isang dahilan kung bakit hindi na iyon muling maibabalik pa.
Congrats sa'yo.
Napaikot mo ako. ;)
----fiction lang ulit. ;)
echusera.
ayos ba!?
Jan 9, 2010
ang IBON, bow.
Ilang araw na din ang lumipas.
Inaagiw na itong pornsite ko, este blog pala.
Walang intro. Basahin mo na lang...
Hindi ko alam kung nasaan ako.
Ang tangi ko lang naaalala ay naglalakad ako sa lugar na tahimik.
Maraming puno. Malinis. Humahalimuyak ang mga bulaklak sa tabi.
Nararamdaman ko ang mga damo habang nakayapak na naglalakad.
Hindi ko alam kung saan ako papunta at saan ako nanggaling.
Ako'y nagmasid.
Tila baga'y may isang balon akong naaninag.
Nilapitan ko ito.
Sinilip ko ang balon.
Tumingala sa puno na lumililim dito.
Napangiti ako sa aking nasaksihan.
Isang ibon ang naglalaro sa sanga ng puno.
Kasabay ng kanyang huni, ay ang galak ng aking puso.
Hindi ko alam kung paano niya nagawang pasayahin ang bagbag kong damdamin.
Patuloy kong pinagmasdan ang ibon na nasa puno.
Hanggang sa pagtulog, naririnig ko pa rin ang kanyang huni.
Hindi ko na maalis sa aking isip.
Na parang kakabit na siya ng aking buhay.
Ngunit isang araw,
Pinuntahan ko ulit ang ibon.
Hinanap ko at pinakinggan ang kanyang huni.
WALA.
Nabalot ng katahimikan ang mala-paraisong lugar.
Hinahanap-hanap ko ang kanyang huni.
Hindi na siya muling nagbalik.
Hanggang isang araw,
Binalikan ko ang balon.
Sinilip ko ang ilalim nito.
Matagal akong nakatitig sa malalim nitong bunganga.
Hanggang sa nagulat ako sa aking nakita.
Kumabog ang aking puso.
Nakita ko ang ibon.
Lumulutang sa tubig sa kailaliman ng balon.
Sumigaw ako.
Ayun.
Nagising ako.
Panaginip lang pala.
Letche. ;)
Ang iyong nabasa ay umikot lamang sa mapaglarong isipan ng nagsulat.
Walang halong katotohanan, kalokohan lamang.
Haaay. Bangag na ako.
Goodnight...