ITANONG MO KAY ANENG!!! (except financial)

Sabi ni...

...People can hide all things, except two; one, that they are drunk, and two, that they are inLOVE...


Jan 12, 2010

TOUCH MOVE!!!!!!

BIGLAAN!
may iba dapat akong entry ngayon.
Kaso biglaan.
Hindi ko kakayaning ipagsantabi ito.
Hindi ko kakayaning hindi mailabas ito.
Moment ko ito.
Wala munang eepal.


~~~~~~~~♥♥♥~~~~~~~~


PURO SANA

Napakabilis ng pangyayari.
Sana hindi na lang kita nakilala,
Sana hindi na lang kita nakita,
Sana hindi na lang kita kinausap,
Sana hindi ko na lang nireplyan mga text mo,
Sana itinulog ko na lang ang mga gabing nagpuyat ako
kakatext sayo,
Sana hindi na lang kita nahuling parating nakatingin sakin,
Sana hindi na lang kita kinuwentuhan ng buhay ko,
Sana hindi ka na lang nagpakita ng motibo,
Sana hindi na lang ako inasar ng mga kaibigan ko sa'yo,
Sana hindi ko na lang pinaniwalaan ang lahat ng mga banat mo,
Sana hindi ko na lang pinaniwalaang mahal mo ako.



Pero sana hindi mo na lang din ako nakilala,
Sana hindi mo na lang din ako kinausap,
Sana hindi ka na lang din nagtext,
Sana hindi ka na lang din nagpuyat kakatext sa akin,
Sana hindi ka na lang nagpahuling tumitingin sa akin,
Sana hindi mo na lang din pina-kwento ang buhay ko,
Sana hindi ka na lang din nagpakita ng motibo,
Sana hindi ka na lang inasar ng mga kaibigan ko sa'kin,
Sana hindi ka na lang bumabanat ng mga cheesing banat,
Sana hindi mo na lang sinabing mahal mo ako,

kung babawiin mo rin lang...


Para sana hindi ka humihiling ngayon na maibalik ang dating pagkakaibigan,
Dahil bigyan mo man ako ng isang milyong dahilan kung paano,
Bibigyan naman kita ng isang dahilan kung bakit hindi na iyon muling maibabalik pa.


Congrats sa'yo.
Napaikot mo ako. ;)




----fiction lang ulit. ;)
echusera.
ayos ba!?

12 comments:

  1. waaah, asteg! akala ko totoo na, napapa sana na rin ako eh... nays post...:d yon...wala lang...haha... Bless You po... :D

    ReplyDelete
  2. fiction nga lang b yan? haha..

    pero nakaka relate ako dyan ng sobra.. sana, sana.. di ko sya nagustuhan. haha XD

    imy aneng! busy ko ngayong mga araw n to, midterm na eh..

    ingat.^^

    ReplyDelete
  3. weeee,,fiction,...?????nakarelate pa aman ako T_T hehe.pero matagal na yun..di na ulit ako papaloko sa mga ganung nilalang..este halimaw pala :P

    ReplyDelete
  4. wiiiiiiiiiiih!

    fiction lng?kalokohan
    ka!haha..

    ReplyDelete
  5. ayos ah.......sana.....wow.......para kanino kaya ang sana sakali hindi fiction,,hehe,,,,,,,,,,

    ReplyDelete
  6. akala ko totoo na ang lovelyf mo aneng :]

    ReplyDelete
  7. hello... just dropping by... have a great week!!!

    ReplyDelete
  8. halu ate..nga pala gumawa ako ng tula inspired by your post..hehe...:P

    ReplyDelete
  9. eto po yung link kung san andun yung award..nasa baba po nung movie review..comment ka na lang ate kapag nakuha mu na :P

    http://voicefromadistantstar.blogspot.com/2009/09/love-me-or-die.html

    ReplyDelete
  10. sana nga! sana di nalang sya nakita ulit sa facebuk,sana di sya nagmessage,sana di ko nalang sya nireplyan,sana di kami nagchat,sana di ko nalang sya namiss..sana...blog ko ba to?!weee! naemo dahil sayo...toink!

    ReplyDelete