ITANONG MO KAY ANENG!!! (except financial)

Sabi ni...

...People can hide all things, except two; one, that they are drunk, and two, that they are inLOVE...


Jan 9, 2010

ang IBON, bow.


Ilang araw na din ang lumipas.
Inaagiw na itong pornsite ko, este blog pala.
Walang intro. Basahin mo na lang...



Hindi ko alam kung nasaan ako.
Ang tangi ko lang naaalala ay naglalakad ako sa lugar na tahimik.
Maraming puno. Malinis. Humahalimuyak ang mga bulaklak sa tabi.
Nararamdaman ko ang mga damo habang nakayapak na naglalakad.
Hindi ko alam kung saan ako papunta at saan ako nanggaling.
Ako'y nagmasid.
Tila baga'y may isang balon akong naaninag.
Nilapitan ko ito.
Sinilip ko ang balon.
Tumingala sa puno na lumililim dito.
Napangiti ako sa aking nasaksihan.
Isang ibon ang naglalaro sa sanga ng puno.
Kasabay ng kanyang huni, ay ang galak ng aking puso.
Hindi ko alam kung paano niya nagawang pasayahin ang bagbag kong damdamin.
Patuloy kong pinagmasdan ang ibon na nasa puno.
Hanggang sa pagtulog, naririnig ko pa rin ang kanyang huni.
Hindi ko na maalis sa aking isip.
Na parang kakabit na siya ng aking buhay.
Ngunit isang araw,
Pinuntahan ko ulit ang ibon.
Hinanap ko at pinakinggan ang kanyang huni.
WALA.
Nabalot ng katahimikan ang mala-paraisong lugar.
Hinahanap-hanap ko ang kanyang huni.
Hindi na siya muling nagbalik.
Hanggang isang araw,
Binalikan ko ang balon.
Sinilip ko ang ilalim nito.
Matagal akong nakatitig sa malalim nitong bunganga.
Hanggang sa nagulat ako sa aking nakita.
Kumabog ang aking puso.
Nakita ko ang ibon.
Lumulutang sa tubig sa kailaliman ng balon.
Sumigaw ako.
Ayun.
Nagising ako.
Panaginip lang pala.
Letche. ;)



Ang iyong nabasa ay umikot lamang sa mapaglarong isipan ng nagsulat.
Walang halong katotohanan, kalokohan lamang.
Haaay. Bangag na ako.
Goodnight...

15 comments:

  1. Hehehe :D Next tym kontrol ah, para food trip lang at hindi bangag lolzz

    gandang gabi Aneng :)

    ReplyDelete
  2. woooh. haha. baliw na ko kuya cm.

    ReplyDelete
  3. haha..itulog mo na yan aneng :D

    ReplyDelete
  4. haha. eto na renz. matulog ka din. para lumaki ka pa. hahha. joke lng.

    ReplyDelete
  5. ibon at balon..paran gusto mong mag swimming sa balong malalim,hehe..ano kaya ibig sabihin ng panaginip mo na iyon..

    ReplyDelete
  6. teka naguluhan ako... marunong tumula si idol at ang galing naman... anyway akala ko about kay sadako yung poem mo kasi may balon eh... hehehehehe

    bawal kasing suminghot ng katol at sasabayan mo pa ng rugby hahahaha

    ReplyDelete
  7. @kuya arvin - hindi po totoo ung panaginip. kunware lng un. fiction

    ReplyDelete
  8. @kuya saul(FAN KO) - well. try mo din once. para mafeel mo ang ALAPAAP. hahahha

    ReplyDelete
  9. alapaap ka pa jan wahahaha... bangag ka lang kaya ganun ang dream mo... hahahaha teka ikaw ba yung nag request ng free gift sa farmville?

    ReplyDelete
  10. ahaha!
    natawa ako, parehas kami ni saul... naisip ko din si sadako.
    pero nice!

    hello!
    bumisita galing sa bahay ni badong.
    natuwa ako sa name mo...
    ANENG.
    hehe.
    favorite ko kasi yung name na ANDOY.
    wala lang... cute ng ANENG.

    unang bisita!
    at MAGBABALIK!!!

    -gege

    ReplyDelete
  11. epekto p rin b yan ng thebar? lolz! akala ko tragedic ang ending natawa ako sa last part...naalala ko nmn ung ibon s amin iniputan ako letchugas! jiji

    ReplyDelete
  12. kasi naman ayan tuloy di ako makacomment ng maayos narumihan kasi ang aking murang isipan ng ibang kahulugan... jejejejejeje...

    ReplyDelete
  13. ang haba po ng panaginip mo. hehe.galing mo po gumawa ng poem.

    nwei anu kaya meaning nung dream m? hmmmmm.napadaan lng

    ReplyDelete