ITANONG MO KAY ANENG!!! (except financial)
Sabi ni...
...People can hide all things, except two; one, that they are drunk, and two, that they are inLOVE...
Nov 29, 2009
PAMBIHIRANG BOLPEN
Bakit ang hirap mag-isip ng next na ipopost? haaaaaay.... Dahil diyan, naisip kong ipost ang pambihirang bolpen na ito. Ballpen na pag inikot mo ay lalabas ang kagila-gilalas na highlighter. NAKS.
Nov 19, 2009
BOTE na lang TANGA! This is it!
BOTE... Maraming yumaman dahil dito; namulot, ibinenta, ipinagpatuloy ang pangangalakal, at hayun, nakapagtayo ng sariling junkshop at ngayon ay milyonaryo na. Samantalang ako, pati bote, nadadamay sa kamalasan ko.
May dalawang pangyayari sa buhay ko na magkasunod na naganap noong nakaraang linggo lamang na hindi ko makakalimutan. Hindi ako ang bida, kundi ang isang walang kamalay-malay na BOTE ng mineral water!
PART 1..
Sana umabot ako! - yan ang sigaw ng puso't damdamin ko isang umaga habang matulin na tumatakbo papaakyat ng 5th floor ng Nursing Building. Kaso, walang nagawa ang pagtakbo ko, LATE na nga, hapung-hapo pa. Dahil sa tuyot na tuyot na ang aking lalamunan sagad hanggang esophagus, madaling nagmasid ang mata ko para makahanap ng kaklaseng may tubig na dala. Pinagpala pa rin ako, nakakita ako ng bote ng mineral water sa ilalim ng upuan ng katabi ko.
aneng: "Painom! Sa'yo ba yan?"
(itago natin siya sa pangalang BOGART)
Bogart: "Sige inom ka lang!"
aneng: <*glok-glok-glok-glok-glok*>
(matapos uminom)
Bogart: "HAHAHAHAHAHAHAHAH!!"
aneng: "BAKIT?!?!?!?!?!"
Bogart: "bakit mo ininom?!? Hindi yan akin, nakakalat lang yan diyan kahapon pa. HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA"
(narinig ng kalahati ng klase. at sabay sabay silang nagtawanan.)
aneng: "$%#@ ka!!!!!! Sabi mo sayo ito!"
Habang sinasabi ko ang linyang iyan, naramdaman ko na parang may gumuhit sa lalamunan ko.
YUMMY!.
PART 2...
Inutil akong tao pag hindi ako nakasuot ng contact lens. Sobrang taas ng grado ng mata ko kaya pag hindi ko iyon suot, pahirapan sa pagsakay sa jeep at pag-intindi sa tinuturo ng prof.Dahil sa angking kadugyutan ko, hindi ko napalitan ang tubig sa lalagyanan ng contacts ko. Dahil male-late na naman ako, isinuot ko agad ng hindi naghuhugas ng kamay. Matapos ang limang oras, nagmukha akong adik na kaka-hithit lang ng marijuana. PULANG-PULA ang mga mata ko- nag-aapoy, nagbabaga at naglalagablab (sounds familiar...)
Dahil naman sa dalisay na katangahan ko, nakalimutan kong dalhin ang lalagyanan. Paano ko ngayon ito tatanggalin??!!
Sa wakas, nakakita ako ng mapapagdiskitahan- ang mabangis na bote ng COKE ZERO ng kaklase ko! May laman na isang halos isang pulgadang tubig ang bote. Dali-dali kong tinanggal ang mga peke kong mata at inihulog sa loob ng bote.
OPS OPS OPS!!! Kung akala mong nainom ko ito ng di sinasadya o kaya ng kaklase ko. Nagkakamali kai!
Narito ang sumunod na nangyari:
Habang busy ang lahat sa klasrum para magreview dahil may quiz, napagisipan kong kamustahin ang bote ng coke zero na naglalaman ng aking mga pekeng mata. Hayun, nasa mabuti naman silang kalagayan. Dahil inip na inip na ako, pinaglaruan ko ang bote. Inalog-alog habang pinagmamasdan silang bumaba sa ilalim ng tubig. The contact lenses is denser than water, aniya ko.(LOL)
Dahil sa sobrang bagot na talaga ako, napagdesisyunan kong isuot mulit ang mga peke kong mata. Binuksan ko ang bote at nag-isip. AHA! babawasan ko ang tubig para makuha ko ang contacts ko mula sa loob. Sa pamamagitan ng takip ng bote, matiyaga at ingat na ingat akong nagbawas ng tubig at itinaponsa sahig.
TEN-TEN-NEN-NEN!
Biglang sumabat ang katabi ko, si BOGART na naman!!!
Bogart: "Ano ka ba! may lababo naman dito oh."
WALANG KALATOY-LATOY AY INAGAW NIYA SAKIN ANG BOTE AT IBINUHOS SA LABABO ANG LAMAN!!!!!
aneng:
SINIGAW KO ANG LINYANG YAN NG MATINIS! NAGTINGINAN ANG KLASE AT GINAWA ANG PEYBORIT NILANG GAWIN: ANG TUMAWA!
Nilakasan ko ang loob ko upang tignan ang lababo. HAAAAAAY! nakahinga ako ng maluwag ng makita kong ligtas ang contacts ko. Konti na lang ang layo nila sa butas ng lababo.
Dahil sa COMBONG pangyayari, hindi na nakauwi ng buhay si Bogart...
Moral Lesson: Umiwas kay Bogart.
Nov 7, 2009
Iba't ibang style, makapasa lang!
TANONG: Sa talang buhay mo, nangopya ka na ba? Don't lie to me, Yes or No?
----------------------------------------
Scenario:May EXAM kayo! Dumating ang instructor nyo. Sa pagpasok palang niya sa pinto, lahat kayo nakatitig sa kanya. Titig na titig kayong lahat at binabasa ang bawat kilos at pananalita niya kung magiging hadlang ba siya sa maitim niyong balak na pinagplanuhan niyo isang gabi bago mag-exam habang nakalatag ang mga libro na dapat sana'y nirereview niyo pero props lang pala para hindi kayo mahalata ng magulang niyo na busy pala kayong katext ang bawat isa.
Maswerte kung anga-anga ang instructor at naka-mighty bond lang ang pwet sa silya habang may ginagawa siyang kababalaghan o kaya nagde-daydreaming. Malas niyo kung nagloloitering siya sa apat na sulok ng silid para manghuli ng mga kalahi ni Lupin.
-----------------------------
Ay grabe. Kung hindi umubra ang mga estilong nabanggit ko, ang natitirang paraan na lang ay kausapin ang katabi. Itanong ang sagot, o kaya nama'y tignan ang papel.
Strategy 7: BASURA STYLE
Isang tao pa lang ang nakikita ko na nakagawa nito. Para pakopyahin ang kaibigan mong malayo ang upuan sa iyo, isulat mo sa isang papel ang sagot at i-crumple ito. Kunwari ay magtatanong ka sa propesor. Kapag nadaanan mo na ang upuan ng kaibigan mo, saka mo ihuhulog sa tapat niya ang linukot mong papel na naglalaman ng kanyang kinabukasan.
Strategy 8: TEXT-TEXT STYLE
Well, isa na rin pala ito sa pinaka-common na estilo. Simple lang, siguraduhing may LOAD, at papasa ka na. Siguraduhin din na huwag ma-wrong send sa nanay o sa tatay mo ang text. May kaklase ako dati, sa sobrang pagmamadali na i-group message ang sagot. Naisend niya ito sa number ng mama niya. Ayun, talo.
Strategy 9: CALCULATOR STYLE
Nagiging kasangkapan na rin ang calculator para makakuha o maipasa ang sagot. Kunwari ay hihiram, pero ang totoo, may papel palang nakaipit doon. O kaya naman ay, masyadong techy ang calculator at nakakapagrecall ng sagot.
Meron din akong kaklase sa highschool na naghihiraman ng calculator. Kataka-taka dahil Filipino ang exam. (haha)
Strategy 10: PANYO STYLE
Para sa akin, ito ang pinakamalupit at desperadong estilo. Kapatid ito ng pangongodigo, pero kakaiba dahil sa panyo nakasulat ang sagot. Meron akong kaklase na ginamit ang dalawang SCARF niya para isulat doon ang sagot. Hindi pa nakuntento sa isa.
MORAL LESSON: immoral itong post na ito. wahahaha.
ASSIGNMENT: May alam ka pa bang ibang estilo na hindi nabanggit? Huwag mahiyang i-share. Leave a Comment! =))
Marami na rin akong nasaksihan na talamak na kopyahan. Sari-saring stratehiya ngunit isa lamang ang layunin, maka-sipsip ng sagot sa katabi para lang pumasa.
Nakikilala mo ba sila?
Strategy 1: VANDAL STYLE
Sila ang may mga motto na "Para saan ang upuan, kung hindi mo susulatan". Tawang-tawa ako sa mga silya na maraming vandal. Sa dami ng vandal, hindi mo alam na nandoon na pala ang susi sa quiz. Nag-quiz kami dati at laking gulat ko na nakasulat ang magkakasunud-sunod na sagot sa silyang inuupuan ko. "Hulog ng langit" , sabi ko sa sarili ko. Pero buti na lang, nakapagreview ako at di ko na kailangan ang mga maling sagot niya. (hoho)
May kaklase naman din ako ngayon na ganyan ang estilo, sa kanya ko nakuha yang motto na yan. Narito ang malupit nyang tip...
Kung gagayahin mo siya, siguraduhing pilot ang ballpen. Bakit? Try mo ipangsulat sa kahoy, matinta at madaling mabasa.
Strategy 2: SENYAS STYLE
Katakot-takot na preparasyon ang kailangan dito. Kailangan ng memorya. Siguraduhin mo dapat na hindi ka papalpak. Bago magexam, nagiisip na sila ng senyas para sa sagot.
Example: Kung A, kakamot sa ulo. Kung B, uubo. Kung C, titingin sa kisame, at kung D, sisinghot.
Kailangang master mo ang bawat senyas dahil pag nakalimutan mo, goodluck!
Strategy 3: PAA STYLE
Applicable naman ang estilong ito sa cheatmates, este seatmates.
Para makakuha ng sagot sa katabi, kailangan mo lang mag-de-kwatro. Pagkatapos ay gamitin ang paang nakalaylay para isulat sa hangin ang numero na hindi mo alam ang sagot. Gagamitin din ng cheatmate mo ang paa niya para ibigay ang sagot.
Strategy 4: BUHOK STYLE
Talamak ang estilong ito sa mga long hair. Alam na din ito ng mga guro at propesor kaya may ginagawa silang hakbang para hindi ito maisakatuparan: LAHAT NG BABAE AY NAKAPONY TAIL ANG BUHOK PAG MAY PAGSUSULIT.
Strategy 5: CLASSIC STYLE
Siyempre, makakalimutan ba natin ang pinakasinaunang pamamaraan ng pangongopya? Ang paggawa ng kODIGO!!
Naalala ko ang kaklase kong gumawa ng kodigo, Sinulat niya ito sa papel na kasing laki ng ID tapos doon niya inipit. Pinagkasya nya ang laman ng notebook nya sa maliit na papel na yun. At siyempre, siya lang ang nakakaintindi doon.
Strategy 6: LANTARAN STYLE

---------------------
EVALUATION: Ano sa mga nabanggit ang natry mo na? (You can choose multiple answer)MORAL LESSON: immoral itong post na ito. wahahaha.
ASSIGNMENT: May alam ka pa bang ibang estilo na hindi nabanggit? Huwag mahiyang i-share. Leave a Comment! =))
Nov 3, 2009
Linsyak!! Nakalimutang mag-bra!!! this is it!
Medyo nag-aalangan akong i-post itong entry na ito. Ngunit dahil marami ang masusi at matiyagang nag-abang, fine.(haha) Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ito ang napili kong susunod na entry. Baka kasi isipin niyo na kawalan na ng privacy sa buhay ko ito. (nag-emote ang loka) Pero ayos lang, haha.
---------------------------
Para sa kapakanan ng mambabasa, sisimulan ko na lang sa simula kung ano ang talagang nangyari... Humihingi lang ako ng kaunting empathy(putting oneself in one's shoes). Kung babae ka, isipin mong ikaw ang nasa kalagayan ko, . Pero kung lalaki ka, wag mong isipin iyon.

Kapag maraming bagay ang SABAY-SABAY mong iniisip, sa tingin mo ba, makakagawa ka ng maayos? Sa talang buhay ko, ganyan ang parating scenario. Sa sobrang 'imaginative', nagmimistulang classroom na maingay ang utak ko. Sari-saring bagay na pag di nacontrol ay nakamamatay. Hindi pa sumisikat si Haring araw nang ako'y magising. At madaming plano ang halo-halo sa utak ko.P.E. uniform(tshirt& joggingpants) ang isusuot ko. Dahil napakamartir ng lola ko na ihanda ang uniform ko, nakaabang agad ang tshirt at jogging pants sa higaan ko.
Nag-suot ng panty..
<*pause*>
<*play*>
Walang kalatoy-latoy ay isinuot ko ang tshirt at pants habang TULALA sa pader. Iniisip ko kasi kung ano mangyayari mamaya. blah.. blah.. blah..
hala sige..
tuloy lang ang scenario sa utak ko.
Ayan nakabihis na ako.
Aalis na sana ako ng bahay ng biglang parang may mighty force na pumipigil sa akin.
<*isip-isip*> Ano ba ang nakalimutan ko? Cellphone? ID? Wallet?
"Wala naman e. Alis na ako.", iyan ang pinakatangang sagot ng hypothalamus ko.
Tuloy-tuloy pa rin ang scenario sa utak ko habang nasa tricycle.
Nang makarating sa jeep, biglang umihip ang hangin. At dahil sa stimulation (hindi yan bastos) na nangyari, saka lamang nag-sink-in sa akin ang nagyari!!!! Sa loob ng tatlong segundo napangiti ako, pero maya-maya, gusto ko nang magsisigaw!!!
waaaaah!!!
F&^%!!!
ANAK NG!!!
PAKIN S***!!!
Mas masahol pa sa naramdaman ni Katrina Halili ang naramdaman ko.
Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, marahil iisipin mong umuwi. Pero hindi ikaw ang nasa kalagayan ko, kaya ako pa rin ang nasunod. Hindi ako pwedeng umuwi! dahil isang oras ang biyahe ko, edi sayang ang oras para bumalik at male-late na ako!!!
Agad kong kinuha ang cellphone ko. At dahil sa adrenaline rush, naitext ko ang tatlong pinakacl0se kong kaklase na kahit nakakahiya, ay iyon na lamang ang tangi kong pwedeng gawin. No choice... Nagreply agad ang dalawa:
"Ay anak ng..!
"baliw!!! hala ka!"
"AMPUTZ!!!"
"Tanga ka ba?
" Naka-drugs ka ba?",
Nakaalis na sila ng bahay kaya hindi nila ako mapahihiraman ng bra. Kaya isa na lang ang pag-asa ko. Ang kaklase kong isa na hindi pa nagrereply.
Halos maiyak na ako sa jeep kakahintay sa reply nya. Sa wakas, nagreply siya. Yey! may magpapahiram sa akin ng ehem.. (nagaalangan isigaw) ng bra!
Pagdating ko sa school, hindi mapigilang tumawa ng buong barkada. Kanina pa nila ako inaabagan na animo'y isang artista.
Nanghiram pa ako ng jacket sa kaklase ko, para may shield. Nang dumating na ang savior ko na dala-dala ang mahiwagang bra, dali-dali akong pumunta ng banyo. Haaaaaaay. Nakahinga din ako ng maluwag.
P.S. Nakalimutan kong picturan ang bra ng klasmeyt ko. Sayang, pang FHM pa naman. Kaya sa internet na lang ako kumuha. ;)
Moral Lesson: Ano sa tingin mo ang moral lesson? Moral nga ba?
Subscribe to:
Posts (Atom)