ITANONG MO KAY ANENG!!! (except financial)

Sabi ni...

...People can hide all things, except two; one, that they are drunk, and two, that they are inLOVE...


Nov 7, 2009

Iba't ibang style, makapasa lang!



TANONG: Sa talang buhay mo, nangopya ka na ba? Don't lie to me, Yes or No?
----------------------------------------
Scenario:

May EXAM kayo! Dumating ang instructor nyo. Sa pagpasok palang niya sa pinto, lahat kayo nakatitig sa kanya. Titig na titig kayong lahat at binabasa ang bawat kilos at pananalita niya kung magiging hadlang ba siya sa maitim niyong balak na pinagplanuhan niyo isang gabi bago mag-exam habang nakalatag ang mga libro na dapat sana'y nirereview niyo pero props lang pala para hindi kayo mahalata ng magulang niyo na busy pala kayong katext ang bawat isa.

Maswerte kung anga-anga ang instructor at naka-mighty bond lang ang pwet sa silya habang may ginagawa siyang kababalaghan o kaya nagde-daydreaming. Malas niyo kung nagloloitering siya sa apat na sulok ng silid para manghuli ng mga kalahi ni Lupin.

-----------------------------

Marami na rin akong nasaksihan na talamak na kopyahan. Sari-saring stratehiya ngunit isa lamang ang layunin, maka-sipsip ng sagot sa katabi para lang pumasa.

Nakikilala mo ba sila?

Strategy 1: VANDAL STYLE

Sila ang may mga motto na "Para saan ang upuan, kung hindi mo susulatan". Tawang-tawa ako sa mga silya na maraming vandal. Sa dami ng vandal, hindi mo alam na nandoon na pala ang susi sa quiz. Nag-quiz kami dati at laking gulat ko na nakasulat ang magkakasunud-sunod na sagot sa silyang inuupuan ko. "Hulog ng langit" , sabi ko sa sarili ko. Pero buti na lang, nakapagreview ako at di ko na kailangan ang mga maling sagot niya. (hoho)

May kaklase naman din ako ngayon na ganyan ang estilo, sa kanya ko nakuha yang motto na yan. Narito ang malupit nyang tip...

Kung gagayahin mo siya, siguraduhing pilot ang ballpen. Bakit? Try mo ipangsulat sa kahoy, matinta at madaling mabasa.


Strategy 2: SENYAS STYLE

Katakot-takot na preparasyon ang kailangan dito. Kailangan ng memorya. Siguraduhin mo dapat na hindi ka papalpak. Bago magexam, nagiisip na sila ng senyas para sa sagot.

Example: Kung A, kakamot sa ulo. Kung B, uubo. Kung C, titingin sa kisame, at kung D, sisinghot.

Kailangang master mo ang bawat senyas dahil pag nakalimutan mo, goodluck!

Strategy 3: PAA STYLE


Applicable naman ang estilong ito sa cheatmates, este seatmates.
Para makakuha ng sagot sa katabi, kailangan mo lang mag-de-kwatro. Pagkatapos ay gamitin ang paang nakalaylay para isulat sa hangin ang numero na hindi mo alam ang sagot. Gagamitin din ng cheatmate mo ang paa niya para ibigay ang sagot.

Strategy 4: BUHOK STYLE

Talamak ang estilong ito sa mga long hair. Alam na din ito ng mga guro at propesor kaya may ginagawa silang hakbang para hindi ito maisakatuparan: LAHAT NG BABAE AY NAKAPONY TAIL ANG BUHOK PAG MAY PAGSUSULIT.

Strategy 5: CLASSIC STYLE

Siyempre, makakalimutan ba natin ang pinakasinaunang pamamaraan ng pangongopya? Ang paggawa ng kODIGO!!
Naalala ko ang kaklase kong gumawa ng kodigo, Sinulat niya ito sa papel na kasing laki ng ID tapos doon niya inipit. Pinagkasya nya ang laman ng notebook nya sa maliit na papel na yun. At siyempre, siya lang ang nakakaintindi doon.


Strategy 6: LANTARAN STYLE

Ay grabe. Kung hindi umubra ang mga estilong nabanggit ko, ang natitirang paraan na lang ay kausapin ang katabi. Itanong ang sagot, o kaya nama'y tignan ang papel.


Strategy 7: BASURA STYLE

Isang tao pa lang ang nakikita ko na nakagawa nito. Para pakopyahin ang kaibigan mong malayo ang upuan sa iyo, isulat mo sa isang papel ang sagot at i-crumple ito. Kunwari ay magtatanong ka sa propesor. Kapag nadaanan mo na ang upuan ng kaibigan mo, saka mo ihuhulog sa tapat niya ang linukot mong papel na naglalaman ng kanyang kinabukasan.


Strategy 8: TEXT-TEXT STYLE

Well, isa na rin pala ito sa pinaka-common na estilo. Simple lang, siguraduhing may LOAD, at papasa ka na. Siguraduhin din na huwag ma-wrong send sa nanay o sa tatay mo ang text. May kaklase ako dati, sa sobrang pagmamadali na i-group message ang sagot. Naisend niya ito sa number ng mama niya. Ayun, talo.

Strategy 9: CALCULATOR STYLE

Nagiging kasangkapan na rin ang calculator para makakuha o maipasa ang sagot. Kunwari ay hihiram, pero ang totoo, may papel palang nakaipit doon. O kaya naman ay, masyadong techy ang calculator at nakakapagrecall ng sagot.

Meron din akong kaklase sa highschool na naghihiraman ng calculator. Kataka-taka dahil Filipino ang exam. (haha)

Strategy 10: PANYO STYLE

Para sa akin, ito ang pinakamalupit at desperadong estilo. Kapatid ito ng pangongodigo, pero kakaiba dahil sa panyo nakasulat ang sagot. Meron akong kaklase na ginamit ang dalawang SCARF niya para isulat doon ang sagot. Hindi pa nakuntento sa isa.

---------------------

EVALUATION: Ano sa mga nabanggit ang natry mo na? (You can choose multiple answer)

MORAL LESSON: immoral itong post na ito. wahahaha.

ASSIGNMENT: May alam ka pa bang ibang estilo na hindi nabanggit? Huwag mahiyang i-share. Leave a Comment! =))

3 comments:

  1. ahaha..ako may alam, ung mouthing of words..ginamit nmin nung kaklase ko un nung sa algebra namin nung 1st year pa..hahaha desperado na kasi sya tas katabi pa nya ung prof..kaya ginawa ko..nagsasalita ako ng walang boses..aun parehas naman ung sagot namin sa lahat ng tanong..un nga lang pinaulit kami, pinasagot kami parehas on the spot ni prof isang tanong lng kung sinu makakasagot..aun..nasagutan ko..buking sya este kami pala...wahaha

    ReplyDelete
  2. simple lang gingawa ko noon tinatakpan ko lang ng test paper yung kodigo ko.

    ReplyDelete
  3. @jetro. hahaha.. ako ung sa panyo naman gngwa q..

    @jake.. kadalasan dn ganun. pag anga-anga ung prof. hahaha//

    ReplyDelete