ITANONG MO KAY ANENG!!! (except financial)

Sabi ni...

...People can hide all things, except two; one, that they are drunk, and two, that they are inLOVE...


Nov 19, 2009

BOTE na lang TANGA! This is it!



BOTE... Maraming yumaman dahil dito; namulot, ibinenta, ipinagpatuloy ang pangangalakal, at hayun, nakapagtayo ng sariling junkshop at ngayon ay milyonaryo na. Samantalang ako, pati bote, nadadamay sa kamalasan ko.

May dalawang pangyayari sa buhay ko na magkasunod na naganap noong nakaraang linggo lamang na hindi ko makakalimutan. Hindi ako ang bida, kundi ang isang walang kamalay-malay na BOTE ng mineral water!



PART 1..


Sana umabot ako! - yan ang sigaw ng puso't damdamin ko isang umaga habang matulin na tumatakbo papaakyat ng 5th floor ng Nursing Building. Kaso, walang nagawa ang pagtakbo ko, LATE na nga, hapung-hapo pa. Dahil sa tuyot na tuyot na ang aking lalamunan sagad hanggang esophagus, madaling nagmasid ang mata ko para makahanap ng kaklaseng may tubig na dala. Pinagpala pa rin ako, nakakita ako ng bote ng mineral water sa ilalim ng upuan ng katabi ko.

aneng: "Painom! Sa'yo ba yan?"

(itago natin siya sa pangalang BOGART)

Bogart: "Sige inom ka lang!"

aneng: <*glok-glok-glok-glok-glok*>

(matapos uminom)

Bogart: "HAHAHAHAHAHAHAHAH!!"

aneng: "BAKIT?!?!?!?!?!"

Bogart: "bakit mo ininom?!? Hindi yan akin, nakakalat lang yan diyan kahapon pa. HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA"

(narinig ng kalahati ng klase. at sabay sabay silang nagtawanan.)

aneng: "$%#@ ka!!!!!! Sabi mo sayo ito!"

Habang sinasabi ko ang linyang iyan, naramdaman ko na parang may gumuhit sa lalamunan ko.
YUMMY!.



PART 2...

Inutil akong tao pag hindi ako nakasuot ng contact lens. Sobrang taas ng grado ng mata ko kaya pag hindi ko iyon suot, pahirapan sa pagsakay sa jeep at pag-intindi sa tinuturo ng prof.

Dahil sa angking kadugyutan ko, hindi ko napalitan ang tubig sa lalagyanan ng contacts ko. Dahil male-late na naman ako, isinuot ko agad ng hindi naghuhugas ng kamay. Matapos ang limang oras, nagmukha akong adik na kaka-hithit lang ng marijuana. PULANG-PULA ang mga mata ko- nag-aapoy, nagbabaga at naglalagablab (sounds familiar...)

Dahil naman sa dalisay na katangahan ko, nakalimutan kong dalhin ang lalagyanan. Paano ko ngayon ito tatanggalin??!!

Sa wakas, nakakita ako ng mapapagdiskitahan- ang mabangis na bote ng COKE ZERO ng kaklase ko! May laman na isang halos isang pulgadang tubig ang bote. Dali-dali kong tinanggal ang mga peke kong mata at inihulog sa loob ng bote.

OPS OPS OPS!!! Kung akala mong nainom ko ito ng di sinasadya o kaya ng kaklase ko. Nagkakamali kai!

Narito ang sumunod na nangyari:

Habang busy ang lahat sa klasrum para magreview dahil may quiz, napagisipan kong kamustahin ang bote ng coke zero na naglalaman ng aking mga pekeng mata. Hayun, nasa mabuti naman silang kalagayan. Dahil inip na inip na ako, pinaglaruan ko ang bote. Inalog-alog habang pinagmamasdan silang bumaba sa ilalim ng tubig. The contact lenses is denser than water, aniya ko.(LOL)

Dahil sa sobrang bagot na talaga ako, napagdesisyunan kong isuot mulit ang mga peke kong mata. Binuksan ko ang bote at nag-isip. AHA! babawasan ko ang tubig para makuha ko ang contacts ko mula sa loob. Sa pamamagitan ng takip ng bote, matiyaga at ingat na ingat akong nagbawas ng tubig at itinaponsa sahig.

TEN-TEN-NEN-NEN!

Biglang sumabat ang katabi ko, si BOGART na naman!!!

Bogart: "Ano ka ba! may lababo naman dito oh."

WALANG KALATOY-LATOY AY INAGAW NIYA SAKIN ANG BOTE AT IBINUHOS SA LABABO ANG LAMAN!!!!!

aneng: G@#$!!! $*&^ ka!!!! Nandun contacts koooo!!!!!!

SINIGAW KO ANG LINYANG YAN NG MATINIS! NAGTINGINAN ANG KLASE AT GINAWA ANG PEYBORIT NILANG GAWIN: ANG TUMAWA!

Nilakasan ko ang loob ko upang tignan ang lababo. HAAAAAAY! nakahinga ako ng maluwag ng makita kong ligtas ang contacts ko. Konti na lang ang layo nila sa butas ng lababo.

Dahil sa COMBONG pangyayari, hindi na nakauwi ng buhay si Bogart...


Moral Lesson: Umiwas kay Bogart.

No comments:

Post a Comment