ITANONG MO KAY ANENG!!! (except financial)

Sabi ni...

...People can hide all things, except two; one, that they are drunk, and two, that they are inLOVE...


Jan 17, 2010

eksena si kuya!




Sorry sa mga naghintay ng post kong ito.Hell week. Bukas, magbabahaybahayan ulit kami sa ANGONO hanggang sabado, dahil sa duty. Kaya bago matengga itong porn site ko ng almost 2days, narito ang pambawi...


~~~~~♥~~~~~

Maaga pa.
Isang oras bago magsimula ang klase.
Nakaupo ako sa may corridor.
Nagbabasa. Nagrereview dahil sa takot na sumemplang sa quiz.
Habang nahihilo akong kabisaduhin ang mga pangalan ng gamot na pampatanggal ng hilo,
bigla na lamang nayanig ang buong building dahil sa tiliian at sigawan at hiyawan.
Napatingin ang lahat sa ikaapat na palapag,
at doon ay sumambulat ang isang TARPAULIN
na hawak-hawak ng tatlong makikisig "slash" alpakapalmuks na lalaki.

Napatayo ako sa pagkakasalampak sa sahig.
Nakiusyoso. Nakisingit. Hayun.
Ang nagbabagang pulang "I LOVE YOU"

Napangisi ako.
Sa mga panahong ito, bihira na lang ang mga mala-John Lloyd na moves.
Hinanap namin kung nasaan ang master mind ng eksenang ito.
Napatingin na lang kami sa may 3rd floor kung saang may nakaluhod na lalaki sa gitna ng kumpulan.
Kumabog ang puso ko sa ginawa niya.
Napatulala ang babaeng nasa harap niya.
At maya-maya lamang ay nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao doon.
Nakipalpak naman at nakisigaw kami.
Sinagot na nga siya ng babae!



Sa puntong iyon,
parang may kumiliti sa tagiliran tagos hanggang bituka ko.
GRABE! KAKILIG!!!

Makalipas ang ilang araw,
nabalitaan na lang namin na pinadala sa discipline office ang mga sangkot sa eksenang iyon.

haaaay.
ang korni talaga ng buhay.
~~~~~♥~~~~~

13 comments:

  1. Baka nainggit yung sa guidance office hehe

    ReplyDelete
  2. ang epal naman nung sa prefect

    ReplyDelete
  3. wow..kinilig ako dun!!!! waaaaaahhh~!! parang gusto kong mangyari din saken yun hehehehe..kaso bakit nadiscipline naman sila..grabe aman yun >_<

    nga pala...if you have a time pls. read my tagalog story...i esp. made this to pinoy bloggers like you..so i hope you'd read this

    http://voicefromadistantstar.blogspot.com/2010/01/tinig-ng-isang-malayong-bituinpart-1.html

    http://voicefromadistantstar.blogspot.com/2010/01/tinig-ng-isang-malayong-bituinpart-2.html

    ReplyDelete
  4. yak! ang KJ naman nila.. ang cool kaya nung ginawa ni kuya, nakakakilig.. tskk.. sayang. ingat. :)

    ReplyDelete
  5. haha galing aman nun.. meron palang ganun.. hhaaay~ how wish aqh ren^^ haha


    napadaan lang ineng^^ daan karen sa bahay ko.. salamats^^

    ReplyDelete
  6. masaya ang buhay dahil korni sya. hehe. ayos ung mga ganung moves. ganun ang mga tipong talagang hindi mo makakalimutang eksena. sana lang din kamukha ni john lloyd ung lalake. haha!

    ReplyDelete
  7. ..ang galing..kakilig amn..hehe

    bihira na lan ang gumawa ng ganon.. xD

    buti na lan din cngot na sia nung gurl :))

    ReplyDelete
  8. ayy naku ang kj nman nila . sguro nainggit lng yung d.o kase walang lablayp hehe.

    sana may mgnyan din saken. haha. kainggit

    ReplyDelete
  9. Swerte yung girl astig! parang wedding proposal!

    Bisitahin ang Lolo: http://www.walakasaloloko.info

    ReplyDelete
  10. wow...ang nice naman nito..hehe..wula lang...^_^

    ReplyDelete