ITANONG MO KAY ANENG!!! (except financial)

Sabi ni...

...People can hide all things, except two; one, that they are drunk, and two, that they are inLOVE...


Nov 3, 2009

Linsyak!! Nakalimutang mag-bra!!! this is it!


Medyo nag-aalangan akong i-post itong entry na ito. Ngunit dahil marami ang masusi at matiyagang nag-abang, fine.(haha) Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ito ang napili kong susunod na entry. Baka kasi isipin niyo na kawalan na ng privacy sa buhay ko ito. (nag-emote ang loka) Pero ayos lang, haha.
---------------------------

Para sa kapakanan ng mambabasa, sisimulan ko na lang sa simula kung ano ang talagang nangyari... Humihingi lang ako ng kaunting empathy(putting oneself in one's shoes). Kung babae ka, isipin mong ikaw ang nasa kalagayan ko, . Pero kung lalaki ka, wag mong isipin iyon.

---------------------------

Kapag maraming bagay ang SABAY-SABAY mong iniisip, sa tingin mo ba, makakagawa ka ng maayos? Sa talang buhay ko, ganyan ang parating scenario. Sa sobrang 'imaginative', nagmimistulang classroom na maingay ang utak ko. Sari-saring bagay na pag di nacontrol ay nakamamatay. Hindi pa sumisikat si Haring araw nang ako'y magising. At madaming plano ang halo-halo sa utak ko.

P.E. uniform(tshirt& joggingpants) ang isusuot ko. Dahil napakamartir ng lola ko na ihanda ang uniform ko, nakaabang agad ang tshirt at jogging pants sa higaan ko.

<*fast forward*>
Nag-suot ng panty..
<*pause*>
<*play*>

Walang kalatoy-latoy ay isinuot ko ang tshirt at pants habang TULALA sa pader. Iniisip ko kasi kung ano mangyayari mamaya. blah.. blah.. blah..

hala sige..
tuloy lang ang scenario sa utak ko.

Ayan nakabihis na ako.
Aalis na sana ako ng bahay ng biglang parang may mighty force na pumipigil sa akin.
<*isip-isip*> Ano ba ang nakalimutan ko? Cellphone? ID? Wallet?
"Wala naman e. Alis na ako.", iyan ang pinakatangang sagot ng hypothalamus ko.

Tuloy-tuloy pa rin ang scenario sa utak ko habang nasa tricycle.
Nang makarating sa jeep, biglang umihip ang hangin. At dahil sa stimulation (hindi yan bastos) na nangyari, saka lamang nag-sink-in sa akin ang nagyari!!!! Sa loob ng tatlong segundo napangiti ako, pero maya-maya, gusto ko nang magsisigaw!!!

"Sa lahat pa ng bagay na pwedeng makalimutan, bakit yun pa!?!", kung nakakapagrebelde lang ang bawat letrang iniisip ng isang tao, marahil matagal ng sabog ang utak ko.

waaaaah!!!
F&^%!!!
ANAK NG!!!
PAKIN S***!!!

Mas masahol pa sa naramdaman ni Katrina Halili ang naramdaman ko.
Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, marahil iisipin mong umuwi. Pero hindi ikaw ang nasa kalagayan ko, kaya ako pa rin ang nasunod. Hindi ako pwedeng umuwi! dahil isang oras ang biyahe ko, edi sayang ang oras para bumalik at male-late na ako!!!
Agad kong kinuha ang cellphone ko. At dahil sa adrenaline rush, naitext ko ang tatlong pinakacl0se kong kaklase na kahit nakakahiya, ay iyon na lamang ang tangi kong pwedeng gawin. No choice... Nagreply agad ang dalawa:


"Ay anak ng..!
"baliw!!! hala ka!"
"AMPUTZ!!!"
"Tanga ka ba?
" Naka-drugs ka ba?",

Nakaalis na sila ng bahay kaya hindi nila ako mapahihiraman ng bra. Kaya isa na lang ang pag-asa ko. Ang kaklase kong isa na hindi pa nagrereply.
Halos maiyak na ako sa jeep kakahintay sa reply nya. Sa wakas, nagreply siya. Yey! may magpapahiram sa akin ng ehem.. (nagaalangan isigaw) ng bra!

Pagdating ko sa school, hindi mapigilang tumawa ng buong barkada. Kanina pa nila ako inaabagan na animo'y isang artista.
Nanghiram pa ako ng jacket sa kaklase ko, para may shield. Nang dumating na ang savior ko na dala-dala ang mahiwagang bra, dali-dali akong pumunta ng banyo. Haaaaaaay. Nakahinga din ako ng maluwag.

P.S. Nakalimutan kong picturan ang bra ng klasmeyt ko. Sayang, pang FHM pa naman. Kaya sa internet na lang ako kumuha. ;)


Moral Lesson: Ano sa tingin mo ang moral lesson? Moral nga ba?

21 comments:

  1. Lesson from the post: Laging tumapat sa electric fan bago umalis ng bahay.. Para kung meron mang 'stimulation' (sabi mo nga di yan bastos) eh malalaman mo kung ano ang kulang. Aw.

    ReplyDelete
  2. hahahaha.. magandang solusyon po iyan. wahahha ^^

    ReplyDelete
  3. nakakaloka ung post mo...hehe...mai kakilala din ako na ganyan din ang nangyari...lol

    ReplyDelete
  4. ayos....yun pa ang nakalimutan XD

    ReplyDelete
  5. awts, naalala ko when i forgot to wear shorts/cycling shorts nung HS ako... sumabit pa man din ako sa jeep.. buti di nalipad palda ko.. ehehehe

    tanong, nagkasya ba yung pinahiram sa iyo? :D

    ReplyDelete
  6. @raye.. yep.. kasyang kasya.. pang-FHM nga ung pinahiram e.. push-up.. wahhaha.. sharing.. =))

    ReplyDelete
  7. uhm,, hindi ka ba talaga naka-drugs nun? hihihhi. Biro lang. uhm,, bale kumusta na ngaun... ung pakiramdam mo.. haha. Biro lang po.

    hapi blogging po.

    Cheers!

    PS.
    bagay ang title ng blog mo sa post mo na ito.

    ReplyDelete
  8. hahaha.. grabe xa oh.. hahaha.. naglalagab-blog tlga..

    ReplyDelete
  9. haha. nangyari na saken toh nuon. Buti na lang malapit pa ako sa bahay namin kaya dali dali akong umuwi. deodorant nga nkakalimutan ko rin minsan, buti nlng hindi nangagamoy pag pawis. wahahaha

    ReplyDelete
  10. Preho lang tayo ng utak, pero nevr ko pang na-encounter yan.. Sguro most unforgettable mo iyan, ahaha!

    Cheers!

    Sensya na sa late visit..I'll be glad to add you on my blog list..

    ReplyDelete
  11. haha, di ko din mpigilan hndi humalakhak ktulad ng mga brkada mo. haha, anak ng tinapa. hahaha.

    wala kong msbi kundi.."grabe!! kakaiba kng nilalang"
    hndi ko ata kya yan sguro bka umuwi n lng ako haha.

    nice blog. ill add u up on my list :))

    ReplyDelete
  12. pkte k aneng..nttwa ako dun s pic khit d ko msyadong bnsa ang iyong bloga...

    aneng!!fs mo maadd k Nga

    hehehe..nga Pla

    san k nag-aaral..

    ReplyDelete
  13. grabe ung experience mo na un ha..
    kakabaliw!
    hahaha
    nice blog!..
    XD

    ReplyDelete
  14. woooh.. haha.. kakaiba daw akong nilalang. thanks u po..

    ReplyDelete
  15. hahaha napansin ko itong link na sa blog mo kaya ayun pinuntahan ko... anak ka ng nanay mo...hahaha bakit yun pa ang nakalimutan mo? pwede naman medyas, shorts(yung pang loob huh di ko lam tawag dun eh nasta lam ko may ganun... may ganun kasi si gf eh)
    pwede din mag toothbrush... ang pag kaka alam ko pag labas ng banyo eh pangalawang bagay yan na ginagawa ng babae... yung mag suot ng *tooot*

    ay pangatlo pala... tapis muna, yung pang baba then yung *toot* na tama ba ako?

    isa lang ang napatunayan mo sis...

    tumatanda ka na... nag kaka memory gap ka na eh...

    ReplyDelete
  16. nyahahaha! buti n lng lalake ako at isa lng ang inaalala ko and d kalimutan ang mgbrief hahaha!

    Lesson? Tumalon talon muna bago umalis bka sakaling may nkalimutan p hehehe...

    ReplyDelete
  17. @kuya JAG - woooh! magandang ideya. haha. lol.

    ReplyDelete
  18. Haha!!!! astig yung pic! Isang napakalaking paalala na kalimutan na ang lahat wag lang ang bra nyahaha

    ReplyDelete
  19. late visit ako. na-follow n dn kita, mejo inactive ako sa blogging eh, hehe. nga pla i love your posts. :))

    ReplyDelete
  20. nakakatuwa naman mga post mo, keep up the good work

    ReplyDelete