ITANONG MO KAY ANENG!!! (except financial)

Sabi ni...

...People can hide all things, except two; one, that they are drunk, and two, that they are inLOVE...


Dec 29, 2009

sa lahat ng blogero't blogera...


WOOOOH!!!!
SABAY SABAY TAYONG TUMALON!!!
HAPPY NEW YEAR!!!!

cheers! ♥♥♥

Dec 28, 2009

kakornihan


Malapit ng pumatak ang alas-dose ng hatinggabi.
Andito pa rin si Aneng. Nakadukdok sa harap ng kompyuter.
Nag-iisip ng magandang itapal sa blog at pagsaluhan ng blogero't blogera.
Biglang napasulyap sa isang litrato sa facebook.
Napabasa, napangiti. Hayun, tinamaan ng lintik.
AHA! alam ko na!


♥♥♥♥♥

Swak na swak ang litratong iyan sa aking kuwento.
Naalala ko na naman ang mga masasalimuot na pangyayari
ilang linggo pa lang ang nakakalipas.

SELF-STUDY! - iyan ang dapat gawin kung may propesor kang tamad magturo.
o kaya yung tipong may-ari ng sikat na xeroxan sa tabi-tabi na
nagbibigay ng walang kamatayang HAND-OUTS!
Sa isip-isip ko, hindi naman ako nagbabayad para lang sa pamunas ng pwet!
Haaay... Ngunit bago mapunta sa pwet ang usapan, nagtuturo pa rin naman ang propesor na iyon, kaya lang binabasa niya din ang mga handouts nya.
Walang explanation! Yung tipong pag ninakaw ko yung hawak niyang handouts ay tapos na ang klase at papauwiin nya kami, sabay sabing "OK CLASS, NAWAWALA ANG HANDOUTS KO. HAHANAPIN KO MUNA. DISMISS NA KAYO"

Ok fine. Pero sa lahat ng tinuro niya, may isang bagay na kumatok at naglaro ng aking imahinasyon. Pilit kong inuunawa ang tinuro niyang iyon ngunit nalilito talaga ako.

ANO ANG PAGKAKAIBA NG ESSENTIAL NUTRIENTS SA NON-ESSENTIAL NUTRIENTS!?!?!

Essential Nutrient = nutrients that our body cannot produce. We can't create it on our own.
Non-essential Nutrients = nutrients that our body can produce. We can create it on our own.


Dahil sa angking kawirduhan ko, akalain mo ba namang nai-relate ko ito sa PAG-IBIG!!! (anak ng tinapang yan!)

Ganito ka-simple:
Kadalasan, ang taong nagmamahal sa iyo ay hindi mo gaanong nabibigyan ng pagpapahalaga.
Katulad ng non essential nutrients, hindi itinuturing na mahalaga ang bagay na nasa iyo na dahil siguro kakabit mo na siya at kahit anong mangyari ay andiyan lamang siya.

Sa kabilang banda,
katulad ng Essential nutrients, itinuturing nating mahalaga ang wala sa atin. Kapag umalis na ang taong hindi mo nabibigyan ng halaga o importansya, saka mo lang naisip na importante pala siya sa iyo, dahil ngayo'y umalis na siya at wala na siya sa iyo.

Parang ganito lang yan:

Never take someone for granted. maybe by now they are always there doing ordinary things again and again and sometimes it doesn't make sense. but you'll never know the importance of that person until they choose to leave and you realized how badly you missed that person and all that 'non-sense' things that s/he used to do. for s/he is the only one who can turn 'ordinary' into something 'special'.
(sino ba may sabi nito? di ko tuloy ma-acknowledge. hmmmp)


Dahil diyan, hindi na ako nalilito.

sabihin nyo nga. INLOVE BA AKO?!
(patay tayo diyan)
♥♥♥♥♥

Dec 23, 2009

PARANG AWA NYO NA!! HELP ME PLS!!.. ;))

Ilang araw na lang ang unti-unting lilipas at tuluyan na akong iiwan ni 2009.. Ngunit bago mangyari iyo, pwede mo ba akong tulungan?


I really want a new TEMPLATE!!

sino pwede tumulong sa akin?!?!?!?
SALAMAT... ;))

Dec 21, 2009

bato bato sa langit...


wahehehehe.. ;)))
ano daw?

Dec 17, 2009

bitter-bitteran ako..

It's a cliche.. wow nosebleed.. Hindi ba't parati mo na lang sinasabi yan? Hindi mo siya sasaktan, mamahalin mo siya ng buong puso't balun-balunan, aalagaan mo siya sa araw at gabi, at kung anu-anong pangakong masarap pakinggan sa una ngunit nakamamatay pala sa huli. Masaya siya sayo noong una dahil sa mabulaklak mong salita na pinaniniwalaan niya, ngunit pagdaka'y nasaan na? Wala na ang lahat. Nawala na.

Mahal mo siya, tama iyan. Pero hindi tamang may kahati siya sa pagmamahal na sinasabi mo. Tao ka lang na nagkakamali, oo tama rin iyan. Pero hindi tamang sa bawat pagkakamali ay iyan ang idadahilan mo. Matanda ka na, may sapat na isip. Hindi ka aso na kapag may sumutsot sayo ay sasama ka agad sa taong iyon.

Maikli lang ang buhay. Pagisipan mo ang bawat segundo, minuto, at oras na nasasayang sa paggawa mo ng kalokohan, dahil sa bandang huli, ikaw din ang magsisisi at manghihinayang.




*sino natamaan? o nakakarelate diyan??? ;)))

Dec 16, 2009

EJECT!!!!!!!!!!!!!!!


"PUSH BUTTON"
"PRESS TO EJECT PROF..."

Siguradong naguumapaw na naman ang ngiti sa mga labi ng lahat ng mag-aaral sa buong mundo dahil paparating na ang pinakaiintay ng lahat, ang CHRISTMAS BREAK!!
Bakit ba kapag nagsimula ng lumamig ang ihip ng hangin at ang lahat ay nakajacket na, saka ka nawawalan ng gana sa pagaaral. Oo tama, yung tipong advanced na ang utak mo sa bakasyon. Habang nagtuturo ang propesor, pinagpipindot mo ang walang kamalay-malay na drinowing ng kung sinumang estudyanteng namatay sa pagkabagot na umupo din sa silya mo--- ang mahiwagang button. At habang pinagpipindot mo iyan, nagsimula namang mangalikot ang mga neuron cells mo sa iyong utak para mag-imagine.. Inisip mong bumuka ang lupa sa inyong klase at lumabas ang nag-ngangalit na dragon at dali-daling sinunggaban ang guro at nilamon pababa ng lupa dahil sa mahiwagang push button sa iyong upuan.

Ngayon, pansamantala munang matitigil ang pag-ngudngod mo sa librong mas makapal pa sa mukha mo. Ano kaya ang magandang gawin sa bakasyon bukod sa pangangapitbahay para makisalok sa handa nila o makisali sa mga batang nangangaroling at makihati sa limang pisong kinita sa buong gabing pag-iikot na sampu kayong maghahati-hati?

walang kwenta....

Dec 12, 2009

Love without talking

HAYAN..
nagpapaka-emonggoloid ba ako?!?!
WELL, itong video na ito ang isa sa mga paborito kong video
na nakalap ko lamang sa facebook.


ENJOY!!

Nov 29, 2009

PAMBIHIRANG BOLPEN


Bakit ang hirap mag-isip ng next na ipopost? haaaaaay.... Dahil diyan, naisip kong ipost ang pambihirang bolpen na ito. Ballpen na pag inikot mo ay lalabas ang kagila-gilalas na highlighter. NAKS.

Nov 19, 2009

BOTE na lang TANGA! This is it!



BOTE... Maraming yumaman dahil dito; namulot, ibinenta, ipinagpatuloy ang pangangalakal, at hayun, nakapagtayo ng sariling junkshop at ngayon ay milyonaryo na. Samantalang ako, pati bote, nadadamay sa kamalasan ko.

May dalawang pangyayari sa buhay ko na magkasunod na naganap noong nakaraang linggo lamang na hindi ko makakalimutan. Hindi ako ang bida, kundi ang isang walang kamalay-malay na BOTE ng mineral water!



PART 1..


Sana umabot ako! - yan ang sigaw ng puso't damdamin ko isang umaga habang matulin na tumatakbo papaakyat ng 5th floor ng Nursing Building. Kaso, walang nagawa ang pagtakbo ko, LATE na nga, hapung-hapo pa. Dahil sa tuyot na tuyot na ang aking lalamunan sagad hanggang esophagus, madaling nagmasid ang mata ko para makahanap ng kaklaseng may tubig na dala. Pinagpala pa rin ako, nakakita ako ng bote ng mineral water sa ilalim ng upuan ng katabi ko.

aneng: "Painom! Sa'yo ba yan?"

(itago natin siya sa pangalang BOGART)

Bogart: "Sige inom ka lang!"

aneng: <*glok-glok-glok-glok-glok*>

(matapos uminom)

Bogart: "HAHAHAHAHAHAHAHAH!!"

aneng: "BAKIT?!?!?!?!?!"

Bogart: "bakit mo ininom?!? Hindi yan akin, nakakalat lang yan diyan kahapon pa. HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA"

(narinig ng kalahati ng klase. at sabay sabay silang nagtawanan.)

aneng: "$%#@ ka!!!!!! Sabi mo sayo ito!"

Habang sinasabi ko ang linyang iyan, naramdaman ko na parang may gumuhit sa lalamunan ko.
YUMMY!.



PART 2...

Inutil akong tao pag hindi ako nakasuot ng contact lens. Sobrang taas ng grado ng mata ko kaya pag hindi ko iyon suot, pahirapan sa pagsakay sa jeep at pag-intindi sa tinuturo ng prof.

Dahil sa angking kadugyutan ko, hindi ko napalitan ang tubig sa lalagyanan ng contacts ko. Dahil male-late na naman ako, isinuot ko agad ng hindi naghuhugas ng kamay. Matapos ang limang oras, nagmukha akong adik na kaka-hithit lang ng marijuana. PULANG-PULA ang mga mata ko- nag-aapoy, nagbabaga at naglalagablab (sounds familiar...)

Dahil naman sa dalisay na katangahan ko, nakalimutan kong dalhin ang lalagyanan. Paano ko ngayon ito tatanggalin??!!

Sa wakas, nakakita ako ng mapapagdiskitahan- ang mabangis na bote ng COKE ZERO ng kaklase ko! May laman na isang halos isang pulgadang tubig ang bote. Dali-dali kong tinanggal ang mga peke kong mata at inihulog sa loob ng bote.

OPS OPS OPS!!! Kung akala mong nainom ko ito ng di sinasadya o kaya ng kaklase ko. Nagkakamali kai!

Narito ang sumunod na nangyari:

Habang busy ang lahat sa klasrum para magreview dahil may quiz, napagisipan kong kamustahin ang bote ng coke zero na naglalaman ng aking mga pekeng mata. Hayun, nasa mabuti naman silang kalagayan. Dahil inip na inip na ako, pinaglaruan ko ang bote. Inalog-alog habang pinagmamasdan silang bumaba sa ilalim ng tubig. The contact lenses is denser than water, aniya ko.(LOL)

Dahil sa sobrang bagot na talaga ako, napagdesisyunan kong isuot mulit ang mga peke kong mata. Binuksan ko ang bote at nag-isip. AHA! babawasan ko ang tubig para makuha ko ang contacts ko mula sa loob. Sa pamamagitan ng takip ng bote, matiyaga at ingat na ingat akong nagbawas ng tubig at itinaponsa sahig.

TEN-TEN-NEN-NEN!

Biglang sumabat ang katabi ko, si BOGART na naman!!!

Bogart: "Ano ka ba! may lababo naman dito oh."

WALANG KALATOY-LATOY AY INAGAW NIYA SAKIN ANG BOTE AT IBINUHOS SA LABABO ANG LAMAN!!!!!

aneng: G@#$!!! $*&^ ka!!!! Nandun contacts koooo!!!!!!

SINIGAW KO ANG LINYANG YAN NG MATINIS! NAGTINGINAN ANG KLASE AT GINAWA ANG PEYBORIT NILANG GAWIN: ANG TUMAWA!

Nilakasan ko ang loob ko upang tignan ang lababo. HAAAAAAY! nakahinga ako ng maluwag ng makita kong ligtas ang contacts ko. Konti na lang ang layo nila sa butas ng lababo.

Dahil sa COMBONG pangyayari, hindi na nakauwi ng buhay si Bogart...


Moral Lesson: Umiwas kay Bogart.

BOTE na lang TANGA!

raratsada na.. ABANGAN!!

Nov 7, 2009

Iba't ibang style, makapasa lang!



TANONG: Sa talang buhay mo, nangopya ka na ba? Don't lie to me, Yes or No?
----------------------------------------
Scenario:

May EXAM kayo! Dumating ang instructor nyo. Sa pagpasok palang niya sa pinto, lahat kayo nakatitig sa kanya. Titig na titig kayong lahat at binabasa ang bawat kilos at pananalita niya kung magiging hadlang ba siya sa maitim niyong balak na pinagplanuhan niyo isang gabi bago mag-exam habang nakalatag ang mga libro na dapat sana'y nirereview niyo pero props lang pala para hindi kayo mahalata ng magulang niyo na busy pala kayong katext ang bawat isa.

Maswerte kung anga-anga ang instructor at naka-mighty bond lang ang pwet sa silya habang may ginagawa siyang kababalaghan o kaya nagde-daydreaming. Malas niyo kung nagloloitering siya sa apat na sulok ng silid para manghuli ng mga kalahi ni Lupin.

-----------------------------

Marami na rin akong nasaksihan na talamak na kopyahan. Sari-saring stratehiya ngunit isa lamang ang layunin, maka-sipsip ng sagot sa katabi para lang pumasa.

Nakikilala mo ba sila?

Strategy 1: VANDAL STYLE

Sila ang may mga motto na "Para saan ang upuan, kung hindi mo susulatan". Tawang-tawa ako sa mga silya na maraming vandal. Sa dami ng vandal, hindi mo alam na nandoon na pala ang susi sa quiz. Nag-quiz kami dati at laking gulat ko na nakasulat ang magkakasunud-sunod na sagot sa silyang inuupuan ko. "Hulog ng langit" , sabi ko sa sarili ko. Pero buti na lang, nakapagreview ako at di ko na kailangan ang mga maling sagot niya. (hoho)

May kaklase naman din ako ngayon na ganyan ang estilo, sa kanya ko nakuha yang motto na yan. Narito ang malupit nyang tip...

Kung gagayahin mo siya, siguraduhing pilot ang ballpen. Bakit? Try mo ipangsulat sa kahoy, matinta at madaling mabasa.


Strategy 2: SENYAS STYLE

Katakot-takot na preparasyon ang kailangan dito. Kailangan ng memorya. Siguraduhin mo dapat na hindi ka papalpak. Bago magexam, nagiisip na sila ng senyas para sa sagot.

Example: Kung A, kakamot sa ulo. Kung B, uubo. Kung C, titingin sa kisame, at kung D, sisinghot.

Kailangang master mo ang bawat senyas dahil pag nakalimutan mo, goodluck!

Strategy 3: PAA STYLE


Applicable naman ang estilong ito sa cheatmates, este seatmates.
Para makakuha ng sagot sa katabi, kailangan mo lang mag-de-kwatro. Pagkatapos ay gamitin ang paang nakalaylay para isulat sa hangin ang numero na hindi mo alam ang sagot. Gagamitin din ng cheatmate mo ang paa niya para ibigay ang sagot.

Strategy 4: BUHOK STYLE

Talamak ang estilong ito sa mga long hair. Alam na din ito ng mga guro at propesor kaya may ginagawa silang hakbang para hindi ito maisakatuparan: LAHAT NG BABAE AY NAKAPONY TAIL ANG BUHOK PAG MAY PAGSUSULIT.

Strategy 5: CLASSIC STYLE

Siyempre, makakalimutan ba natin ang pinakasinaunang pamamaraan ng pangongopya? Ang paggawa ng kODIGO!!
Naalala ko ang kaklase kong gumawa ng kodigo, Sinulat niya ito sa papel na kasing laki ng ID tapos doon niya inipit. Pinagkasya nya ang laman ng notebook nya sa maliit na papel na yun. At siyempre, siya lang ang nakakaintindi doon.


Strategy 6: LANTARAN STYLE

Ay grabe. Kung hindi umubra ang mga estilong nabanggit ko, ang natitirang paraan na lang ay kausapin ang katabi. Itanong ang sagot, o kaya nama'y tignan ang papel.


Strategy 7: BASURA STYLE

Isang tao pa lang ang nakikita ko na nakagawa nito. Para pakopyahin ang kaibigan mong malayo ang upuan sa iyo, isulat mo sa isang papel ang sagot at i-crumple ito. Kunwari ay magtatanong ka sa propesor. Kapag nadaanan mo na ang upuan ng kaibigan mo, saka mo ihuhulog sa tapat niya ang linukot mong papel na naglalaman ng kanyang kinabukasan.


Strategy 8: TEXT-TEXT STYLE

Well, isa na rin pala ito sa pinaka-common na estilo. Simple lang, siguraduhing may LOAD, at papasa ka na. Siguraduhin din na huwag ma-wrong send sa nanay o sa tatay mo ang text. May kaklase ako dati, sa sobrang pagmamadali na i-group message ang sagot. Naisend niya ito sa number ng mama niya. Ayun, talo.

Strategy 9: CALCULATOR STYLE

Nagiging kasangkapan na rin ang calculator para makakuha o maipasa ang sagot. Kunwari ay hihiram, pero ang totoo, may papel palang nakaipit doon. O kaya naman ay, masyadong techy ang calculator at nakakapagrecall ng sagot.

Meron din akong kaklase sa highschool na naghihiraman ng calculator. Kataka-taka dahil Filipino ang exam. (haha)

Strategy 10: PANYO STYLE

Para sa akin, ito ang pinakamalupit at desperadong estilo. Kapatid ito ng pangongodigo, pero kakaiba dahil sa panyo nakasulat ang sagot. Meron akong kaklase na ginamit ang dalawang SCARF niya para isulat doon ang sagot. Hindi pa nakuntento sa isa.

---------------------

EVALUATION: Ano sa mga nabanggit ang natry mo na? (You can choose multiple answer)

MORAL LESSON: immoral itong post na ito. wahahaha.

ASSIGNMENT: May alam ka pa bang ibang estilo na hindi nabanggit? Huwag mahiyang i-share. Leave a Comment! =))

Nov 3, 2009

Linsyak!! Nakalimutang mag-bra!!! this is it!


Medyo nag-aalangan akong i-post itong entry na ito. Ngunit dahil marami ang masusi at matiyagang nag-abang, fine.(haha) Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ito ang napili kong susunod na entry. Baka kasi isipin niyo na kawalan na ng privacy sa buhay ko ito. (nag-emote ang loka) Pero ayos lang, haha.
---------------------------

Para sa kapakanan ng mambabasa, sisimulan ko na lang sa simula kung ano ang talagang nangyari... Humihingi lang ako ng kaunting empathy(putting oneself in one's shoes). Kung babae ka, isipin mong ikaw ang nasa kalagayan ko, . Pero kung lalaki ka, wag mong isipin iyon.

---------------------------

Kapag maraming bagay ang SABAY-SABAY mong iniisip, sa tingin mo ba, makakagawa ka ng maayos? Sa talang buhay ko, ganyan ang parating scenario. Sa sobrang 'imaginative', nagmimistulang classroom na maingay ang utak ko. Sari-saring bagay na pag di nacontrol ay nakamamatay. Hindi pa sumisikat si Haring araw nang ako'y magising. At madaming plano ang halo-halo sa utak ko.

P.E. uniform(tshirt& joggingpants) ang isusuot ko. Dahil napakamartir ng lola ko na ihanda ang uniform ko, nakaabang agad ang tshirt at jogging pants sa higaan ko.

<*fast forward*>
Nag-suot ng panty..
<*pause*>
<*play*>

Walang kalatoy-latoy ay isinuot ko ang tshirt at pants habang TULALA sa pader. Iniisip ko kasi kung ano mangyayari mamaya. blah.. blah.. blah..

hala sige..
tuloy lang ang scenario sa utak ko.

Ayan nakabihis na ako.
Aalis na sana ako ng bahay ng biglang parang may mighty force na pumipigil sa akin.
<*isip-isip*> Ano ba ang nakalimutan ko? Cellphone? ID? Wallet?
"Wala naman e. Alis na ako.", iyan ang pinakatangang sagot ng hypothalamus ko.

Tuloy-tuloy pa rin ang scenario sa utak ko habang nasa tricycle.
Nang makarating sa jeep, biglang umihip ang hangin. At dahil sa stimulation (hindi yan bastos) na nangyari, saka lamang nag-sink-in sa akin ang nagyari!!!! Sa loob ng tatlong segundo napangiti ako, pero maya-maya, gusto ko nang magsisigaw!!!

"Sa lahat pa ng bagay na pwedeng makalimutan, bakit yun pa!?!", kung nakakapagrebelde lang ang bawat letrang iniisip ng isang tao, marahil matagal ng sabog ang utak ko.

waaaaah!!!
F&^%!!!
ANAK NG!!!
PAKIN S***!!!

Mas masahol pa sa naramdaman ni Katrina Halili ang naramdaman ko.
Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, marahil iisipin mong umuwi. Pero hindi ikaw ang nasa kalagayan ko, kaya ako pa rin ang nasunod. Hindi ako pwedeng umuwi! dahil isang oras ang biyahe ko, edi sayang ang oras para bumalik at male-late na ako!!!
Agad kong kinuha ang cellphone ko. At dahil sa adrenaline rush, naitext ko ang tatlong pinakacl0se kong kaklase na kahit nakakahiya, ay iyon na lamang ang tangi kong pwedeng gawin. No choice... Nagreply agad ang dalawa:


"Ay anak ng..!
"baliw!!! hala ka!"
"AMPUTZ!!!"
"Tanga ka ba?
" Naka-drugs ka ba?",

Nakaalis na sila ng bahay kaya hindi nila ako mapahihiraman ng bra. Kaya isa na lang ang pag-asa ko. Ang kaklase kong isa na hindi pa nagrereply.
Halos maiyak na ako sa jeep kakahintay sa reply nya. Sa wakas, nagreply siya. Yey! may magpapahiram sa akin ng ehem.. (nagaalangan isigaw) ng bra!

Pagdating ko sa school, hindi mapigilang tumawa ng buong barkada. Kanina pa nila ako inaabagan na animo'y isang artista.
Nanghiram pa ako ng jacket sa kaklase ko, para may shield. Nang dumating na ang savior ko na dala-dala ang mahiwagang bra, dali-dali akong pumunta ng banyo. Haaaaaaay. Nakahinga din ako ng maluwag.

P.S. Nakalimutan kong picturan ang bra ng klasmeyt ko. Sayang, pang FHM pa naman. Kaya sa internet na lang ako kumuha. ;)


Moral Lesson: Ano sa tingin mo ang moral lesson? Moral nga ba?

Oct 30, 2009

Linsyak!! Nakalimutang mag-bra!!!

ISANG KAABANG-ABANG na ENTRY..
ABANGAN.. =))))

Oct 27, 2009

Nanggigil sa Goggles!

Wala akong ginagawa ngayon sa bahay kundi agawin ang kinakain ng kapatid ko na sikat na sikat ngayon sa buong panig ng Pilipinas na kung tawagin ng mga bata ay "yogurt" na lasang acetone na iba't iba ang kulay na nababalot sa plastic tube na maninipis at mahahaba na mabibili sa suking tindahan na pag kinain mo ay parang nakarating ka daw sa heaven. (hahaha. Ito ang pinakamahabang sentence na nagawa ko. tsk) Hindi ko lubos maisip kung bakit mabentang-mabenta iyon, naalala ko pa ang kaklase ko na bumili ng isang balot noon na kinagat ang kalokohan ng tindera na p50 for 50pcs raw.

Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula nang sumambulat sa pagmumukha ko ang grade ko na maaaring makita sa website ng school. Lahat ng major ko ay walang tumuntong sa line of 1, lahat dos, 2.25, o 2.50. Ngunit ang nakakatuwa dito, UNO ako sa SWIMMING! Habang sipsip-sipsip ko itong yogurt na ito na nasipsip na ng kapatid ko, naalala ko ang mga masasayang parte ng swimming class namin.

Kapag binibigyan kami ng time magpractice ng instructor namin, kung anu-ano ang naiisip naming pagtripan ng mga felix bakat kong kaibigan. Narito ang video:



May mga panahon naman na halos malunod na kami kakatawa sa mga kaklase naming idol si pacquiao sa paglangoy. Pero minsan ay naging sentro ako ng comedy ng buong klase dahil sa pangyayaring hindi na muling mababago pa. Naaalala ko pa ang mga minutong nakikipaglaban ako sa bawat hampas ng alon sa swimming pool(LOL).

Prelim exam na daw namin iyon at kailangan naming bagtasin ang dalawampu't limang metrong swimming pool sa pamamagitan ng "freestyle". Alphabetically ang paglangoy, kaya siyempre sa dulo ako. Kaunti lang ang nakatapos at marami ang napagtawanan at siyempre kasama din ako sa tumawa. Hindi ko alam na ako rin ay mapagtawanan maya-maya lamang.

Sa wakas, ako na ang lalangoy. Hiniram ko ang GOGGLES ng mahal kong kaklase na naging mitsiya ng aking chuva. Hindi ko naisip na sikipan ang goma, dahil na rin siguro sa kaba. Dahil mas malaki ang head circumference ng hiniraman ko kaysa sakin, nagkasya pa rin pero may kaunting allowance. (gets mo?) Sinenyasan ako ng instructor na simulan ko nang lumangoy. Pagkasipa na pagkasipa ko sa pader ng swimming pool para mag-glide, bumaba sa ilong ko ang pinakamagandang goggles sa balat ng lupa. Hindi ko pwedeng ayusin gamit ang kamay ko dahil lulubog ako. Hindi ko rin pwedeng itigil ang paglangoy dahil bawal ang take two! Habang lumalangoy ako, gustung-gusto ko nang tumawa pero naisip ko na baka maubos ang impok na hangin sa bibig ko. Pinigilan ko na lang ang sarili ko, linangoy ko hanggang sa makakaya ko habang nakasabit sa ilong ko ang goggles na malupet. Pero siyempre hindi ko nakayanan ang pagtawa, itinigil ko ang paglangoy at lahat sila ay mababali na ang panga sa kakatawa. Pati ang instructor ko ay hindi rin napigilang tumawa.

Moral Lesson: Huwag manghiram ng goggles lalo na sa may hydrocephalus.

Pait ng Pag-ibig

Nagtaka ka siguro kung bakit biglang nag-iba ang topic ko. Sa pamagat pa lang, alam na na hindi joke time itong entry na to, kaya magpapakaseryoso muna ako kahit papaano.

Marami na rin ang nakapagkwento sa akin ng istoryang ito: mga propesor at mga kapwa estudyante ng unibersidad na pinapasukan ko. Dahil sa kurso kong pagnanars, kaya naikukuwento sa amin ito ng propesor namin sa iba't ibang subjects noong freshmen pa kami dahil tampok ang nursing building sa pangyayaring ito. Lahat kami ay tinitindigan ng balahibo sa tuwing nabubuksan ang topic na ito. Ganito ang pagkakuwento sa amin:

Setyembre 29, 2000, nagimbala ang Arts building(ngayon ay Nursing bldg) dahil sa isang malakas na kalabog, kasunod ang sigawan at tilian ng mga nakakita ng nangyari. Di umano'y tumalon ang isang babaeng propesor na nagngangalang Maningning Miclat mula sa ika-pitong palapag. Ayon sa mga nakasaksi, bago siya tumalon ay tinanggal muna niya ang kanyang sapatos at umupo sa "railings". Matapos non ay ibinukas niya ang kanyang mga braso na animo'y parang lilipad sa hangin, at tumalon na patalikod. Siya ay dalawampu't walong taong gulang lang.

Kaya daw tumalon ang propesor na iyon ay dahil iniwan siya ng kanyang kasintahan.

Isang nakalulungkot na pangyayari, tama. Matapos ang pangyayaring ito, sunud-sunod na ang mga kwento na nagpaparamdam daw ang hindi matahimik na kaluluwa ng propesor sa mga silid na madalas nyang puntahan at sa ika-pitong palapag kung saan siya tumalon.

Napag-isipan kong i-research ang tungkol sa kanya. Laking gulat ko na isa pala siyang maituturing na gifted child dahil sa angking talento niya sa pagguhit, paggawa ng tula na nagsimula noon siya'y bata pa lamang. Ilang parangal din ang kanyang nakuha sa iba't ibang panig ng mundo. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang mga narating, nakakapanghinayang isipin na natapos ang lahat ng ito dahil sa isang lalake na iniwan siya. Dahil sa lubos na pagmamahal niya sa lalaking ito, hindi niya nakayanan ang hinagpis nang iniwan siya nito.

Napag-isip-isip ko tuloy na tama nga ang sinabi sa akin dati na ang mga taong matatalino, ay mahina pagdating sa emosyonal na bagay gaya ng pag-ibig.

Sa kabila ng lahat, mayroon paring magandang pangyayari matapos ang kanyang kamatayan. Nagkaroon siya ng isang Art Foundation na itinatag ng kanyang mahal sa buhay kasama ang mga taga-suporta niya.

Isa ito sa mga paborito kong sinulat niya:

Laughter

He left me
when he could
no longer stand the laughter

that I gave him
while he begged me not
to keep memories

alive in poems
to hurt myself
and make those
who read

sad. I laughed
when he shared
his life with me
while holding him

to make it easier
and maybe
less painful
to live on.

Laugh! I told
him, but
could not get
his attention.

Laugh! I asked
him, but
he left in
anger.

And left
before he understood
the courage
that held my laughter.

Oct 16, 2009

ALAMAT ng TANGA

yow! FIFTH Entry ko na ito. Kung ikaw ay nakapagbasa na ng mga nakaraan ko pang post, SALAMAT, tuluy-tuloy lang dapat ang suporta. haha. Kung ikaw naman ay first timer na magbasa ng entries ko, congrats. Alam mo, mas matutuwa ako kung magsusubscribe ka. nasa kanang bahagi ng tinititigan mo ngayong blog ang FOLLOW button para magsubscribe.

Da HU?!?! Clue: Mahilig siya sa GREEN...

PAST:


Noong kabataan ko pa(naks! lola), malimit akong umiiyak dahil tinutukso ako ng magulang at mga kapatid at ng lola ko(inshort, ng buong pamilya ko), dahil clumsy daw ako.

Parati akong nadadapa, nauuntog sa pader, nadudulas, nakakabasag ng pinggan, nabubunggo ang electric fan na nananahimik, at natatalisod sa sarili kong paa... (WOW. suicidal ka teh!)

Highlights: Parating kasama sa New Year's Resolution ko na hindi na ako magiging CLUMSY.

Moral Lesson: Huwag maniwala sa New Year's Resolution.

PRESENT:

Ngayong nasa kolehiyo na ako, ano pa sa tingin mo. Edi siyempre, wala pa ring pagbabago.
Sa halip na talikuran ko na ang aking nakaraan na puno ng katangahan. Eto, at patuloy pa ring namumukadkad. Sanay na din ang mga kaibigan at kaklase ko. Hindi daw mabubuo araw ko nang hindi nadadapa, natatalisod, nadudulas, etc.

Babala: Ang mga susunod na pangyayari ay hango sa tunay na buhay. Patnubay ng Magulang ay kailangan.



Featuring: DAKILANG TANGA a.k.a. DT.

Katangahan 1: (habang papaakyat ng hagdan papuntang FEU foodcourt)

<*PEEEP-PEEEP*>
tumunog ang radar ko, may makakasalubong na pogi na pababa ng hagdan.

DT: <*Titig na titig sa poging bumababa ng hagdan*>

. . . . . .hala sige. . . titig lang. . .


. . . . . . .At. . . . . . At. . . . . . . At . . . . . .


.<*BOOGSH*> nadapa sa hagdan at nauntog sa pwet ng kasamang nasa harap.


Katangahan 2 (sa isang LYING-IN, lumabas na ang baby na ako ang isa sa humugot/sumalo. Nagupit na ang cord. Taimtim ang midwife sa paghihila ng kaputol na umbilical cord na nakakakabit pa sa placenta na nasa loob pa ng sinapupunan ng nanay. (hmm!sarap kumain ng menudo)"

Midwife: <*hila*> . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . . <*hala, sige hila pa*>

DT: Hahakbang, kaso sumabit ang paa ko sa kurdon ng spotlight (nakatutok sa tootoot ng nanay para makita mabuti ng midwife ang happenings)

<*TEN TEN NEN NEN*>

buti na lang nakaharang ang midwife kundi, alam mo na kung saan matutumba ang ilaw.


Katangahan 3: (overnight sa bahay ng kaklase)

Habang pababa ng hagdan na makipot si Dakilang Tanga, hindi nya napansin na bumababa pala sya ng hagdan dahil lulong pa sya sa tulog. Hindi sya nakatingin sa inaapakan, nang biglang...

<*LAGABAAAAGG!!!*>

Katulong: (Hindi makapagsalita ang tanging saksi sa katangahan)

DT: <*NAGULAT*>!!!!! hahahahahaha! wahahaha!!! (pero deep inside, masakit)

Klasmate 1: Oh!!! ano nangyari sayo!! wahahaha! Guys! Si andeng! hahahahah! NAHULOG SA HAGDAN! wahahahaha! ngyahahaha! bwahahahaa! hahahaha! (sige, ipagsigawan mo sa buong mundo, ok?)

Katangahan 4: (Nakikipagdaldalan sa kasama habang patawid ng kalsada)

DT: Alam mo ba si ano daw blah blah blah. . . . .

nang biglang may (ano bang tawag sa ilaw na animo'y naka-implant sa kalsada?) light device? na sumabit sa kanyang paa. Partida, nakaputi pa.

Ending: Madami ang saksi, congrats!

Katangahan 5: (Nagmamadaling bumaba ng Footbridge sa Pasay Rotonda)

Limang hakbang mula sa ibaba, doon nagsimula ang kanyang masalimuot na pagkahulog.

BAAGAAAAAG!!!!

Ending: Buti na lang medyo konti ang audience!

------------------------------------------------------
Patikim lang ang lahat ng yan. Pero, kahit madapa, madulas, mahulog, matalisod, at bumalentong ako, taas noo pa rin akong tatayo at itatago ang hiya. Ayon nga kay pareng Les Brown:

"If you fall, fall on your back. If you can look up, you can get up.
"

Over-all Moral Lesson: .meron nga ba? parang wala.

Oct 15, 2009

R18!!!

At sa wakas, matapos ang mahigit sampung araw na hindi ako nakakapagpost dito sa walang kakwenta-kwenta kong blog, sino nga ba naman ang makakapagsabi na buhay pa rin ako ngayon matapos ang unit exam sa micro&para.

Dahil espesyal itong araw na ito, espesyal din aking ishe-share. naks.

Nagising ako kaninang umaga ng 4:30, dahil magrereview ako. Pero syempre, nagising nanaman ako para patayin ang papampam na alarm ng cellphone ko. At gaya ng dati, binalikan ko ulit ang panaginip ko. Matapos ang mahimbing kong pagtulog, napagpasyahan ko na ding tumayo mula sa kama at pumunta sa banyo para maligo. Ngunit dahil may kasabihan nag tayo na "lokohin mo man ang lasing, wag lang ang bagong gising", nagulumihanan ako sa nasaksihan ko.
Nakikita mo yang picture na yan? Dahil diyan, nawala ang antok ko. Unang una sa lahat. hindi naman talaga ako takot sa ipis. As in! Hindi ako katulad ng iba na makakita lang eh nagtatatalon na with matching tili pa. Pero ibang klase itong ipis na ito, Nung unang sulyap ko, parang nakakakilabot kasi akala mo iisang ipis lang yun na madaming paa! Sinubukan kong tapikin ang pinto, aba! gumalaw! at sabay na sabay ang pagkakagalaw! Matapos ang ilang segundo, saka lang naproseso ng aking hypothalamus na hindi iyon iisang ipis lamang! Samakatwid ay dalawa sila!!!! OMG!!! Anak ng! Dahil rated PG masyado ang pinakita nila, nakayanan ko pang kuhanan sila ng litrato.
Kayo na ang bahalang humusga sa post ko na ito. ok?


Moral Lesson: Huwag magkwan sa banyo.

Oct 1, 2009

Sino ang tunay na baliw?


Dahil tinatamad na ako magbasa ng sandamakmak na medical terms ng limang-kilong libro ko sa anatomy(nagbabalik aral lang ako), narito ang panibagong entry.

Nais kong magbalik tanaw sa mga nakakatawang parte ng aking buhay.

STORY 1: BINGI

Nanay: (naglilinis ng ewan mula sa kabilang bundok) ANAAAAAKKK!!!!, pakikuha nga yung tabo.

Anak: (Taimtim na nanonood ng hayden kho scandal sa _____) Ano ma? Yung platooooo??

Nanay: OO, yung TABOOOooooo!!

~nasa genes lang yan

STORY 2: MOST IN GRAMMAR

Sa isang Journalism Class, nagreport ang isang estudyante.
Matapos ang kanyang report, tinanong ng guro ang buong klase kung ano ang masasabi nila sa report ng kaklase nila.
Eto ang kanilang sagot:

Student1: Mam, uhm, uhm, i think, uhm, the, uhm, report is, uhm, ok. (OK. SIT DOWN)

Student2: Thi ripowt iz a lil bit bowring, en buh-sayds, thi riporter iz nut.. ( takteng yan. sarap sabihin to sa kanya, "do you know harry-powtah-in-a-mow?, that's harry potter in a mall." wahahaha)

Student 3: <*TEN-TEN-NEN-NEN*> I think the report is CONFUSABLE. (bravo!!!, ate, confusing ata iyon?? wahahahaha..)

~hulaan nyo kung sino nagsabi non. (clue?, mahilig sya sa green)



SCENE 3: EXAM

Sa isang elementary school, habang nageexam:

Guro: (nagbabasa ng panuto) Itiman ang bilog ng tamang sagot...

Studyante: (buong tapang na humirit) Maam, panu yan??? Blue bolpen ko.

~wala akong masabi, syempre, isa ako sa tumawa.


SCENE 4: ANG JACKSTONE

Magkapatid na naglalaro ng jackstone...



Kapatid1: (nagyabang at nagpakita ng tricks sa kanyang dalawang taong kapatid) Kaya mo toh. MILO yan... OHA. OHA.

Kapatid 2: (nakipagsabayan) Ay panget. Sakin GATAS.


~sige. inumin mo jackstone.


SCENE 5: PLANTSA

Ayoko masyadong magbigay ng impormasyon. basahin nyo na lang.. haha..

May isang estudyanteng babae, itago natin siya sa pangalang Milagrosa(kulot sya), pinansin nya ang kanyang kaklaseng gusot ang damit na ang pangalan ay.. uhm.. itago natin siya sa pangalang Michael.

Milagrosa: Hoy michael, anu ba naman yang uniform mo. Hinahabol ng plantsa!

Michael: Kapal mo! Yung buhok mo nga yung hinahabol ng plantsa e!

~sa totoo lang, sa isip lang sinabi yan ni michael. kinimkim nya ang sama ng loob. at muntik na syang mabaliw.
Moral lesson: huwag kimkimin.


SCENE 6: BLUSH

Isang propesor ang nagjoke.

Propesor: Paano mo malalaman na nagblush ang isang taong maitim.

<*nanahimik ang klase*>

SIREEEEEET!!!!

Propesor: Edi sasabihin niya..

~hindi ako natamaan doon. promise.


Ngayon, ikaw na ang bahalang humusga kung sino ang tunay na baliw...

Sep 29, 2009

Ang Cheesy ng Lrt...



Dahil sa marami ang naantig sa una kong post dito sa walang kwenta kong blog, kaya naisipan kong ipagpatuloy itong kahibangan kong ito.

BABALA: Patnubay ng Magulang ay kailangan.

Nasubukan mo na bang sumakay ng tren? OO, tama tren nga. Sa Lrt, Mrt, Lrt-2 o kahit yung tren na akala mo sa show lang ni dolphy makikita.

Pero hindi pa ako nakakasakay sa huling tren na binanggit ko. Naalala ko noong bata pa ako, bukod sa pagiging artista at astronot, pangarap kong makasakay sa tren na iyon. Sinabi ko iyon sa nanay ko pero hindi nya ako pinansin. May pagka-maysayad ako noong bata pa ako(kunwari ngayon hindi na). Hindi ko alam kung anong meron sa tren na iyon para maging pangarap kong sakyan. Gusto ko talagang subukan. Pero may malaking problema. Saan naman ako pupunta?(sa heaven?) Naisip ko, edi sasakay lang mula unang stasyon hanggang huling istasyon(nabaliw). Pero may nakapagsabi sa akin na nakakaabot pa daw yun ng Laguna. Hindi ko alam kung barbero yung kausap ko(konti). Bago umabot kung saan tong usapang ito, anu ba talaga gusto kong sabihin?

TANONG TANONG TANONG!
Nakikita mo ba ang picture sa itaas? Hulaan mo kung saan kinuha iyon.
Kung ang sagot mo ay eroplano, MALI kA!!
Kung bus naman, MALING MALI PA RIN!!
SIRET??
.
.
.
.
.
yun ay walang iba kundi ang loob ng JAPANESE BULLET TRAIN o mas kilala sa tawag na "SHINKANSEN"..(kunwari henyo)
.
.
.Kung nagtataka ka kung anong connect noon. Eto 'yon.


Kung nakasakay ka na sa mga tren katulad ng LRT at MRT, malayong malayo ang itsura ng pinagmamalaki ng Japan na bullet train. Pero may tanong na naman ako!

TANONG TANONG TANONG!

Anong meron sa LRT at MRT na hindi mo makikita sa BULLET TRAIN???
.
.
.
.
.

.
.
.
Eto ang sagot...

BERSO SA METRO..
Alam mo yan?
Kung katulad mo ako na mahilig magbasa ng kung anumang nakatapal sa pader tulad ng "Need Money", "SIPHONING TANK", "RECRUITMENT AGENCY". Aba, siguradong na-i-group message mo na ang iba sa mga lines ng BERSO SA METRO. Kung hindi naman, subukan mo lang basahin. Iyon ay makikita sa mga tren ng MRT at LRT at walang ganun ang BULLET TRAIN.

Nakalimutan ko na kung kailan ko unang napansin iyon.
Pero may nabasa ako na naantig ang puso at damdamin ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kinopya sa phone iyon. Kaya umabot ng ilang linggo bago ko uli masaktohan na makita ang tulang iyon.....


Nang mawala ka sa akin, ikaw at ako’y nawalan;

Ako dahil ikaw ang minahal ko ng lubusan

At ikaw dahil ako ang sa iyo’s lubusang nagmahal.

Ngunit sa dalawa ay ikaw ang higit na nawalan;

Dahil pwede ko mahalin ang iba tulad ng pagmamahal ko sa iyo

Ngunit ika’y di mamahalin tulad ng kung paano kita minahal.



Al perderte yo a ti, tu y yo hemos perdido.

Yo porque tú eras lo que más amaba,

tú porque yo era la que más te amaba.

Pero de nosotros dos tú pierdes más que yo,

porque yo podré amar a otros como te amaba a ti,

pero a tí nunca te amarán como te amaba yo.


Sinulat yan ni pareng Ernesto Cardenal.
Dahil sa emosyonal ako ng araw na iyon, pinakopya ko sa kasabay kong kaklase sa ang tulang iyon. At pinasend ko na lang sa number ko(tamad putek)
Marahil nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Kaya ayan.


Moral Lesson: Hindi lang si John Lloyd ang cheesy.

Sep 28, 2009

Ondoy why ondoy?



Unang una sa lahat, OFFICIAL BLOGGER na ako ngayon!(yehey!^^)

Dahil Filipino blog ito, susubukan kong magpakadugo sa tagalog para sa kapakanan ng mga mambabasa. Pero subok lang.

Setyembre 26,2009. Hindi ko alam kung ang araw na iyon ang pagdating ng Bagyong Ondoy sa “area of responsibility” ng Pilipinas, dahil hindi naman ako mahilig manood ng telebisyon sa mga panahong ito (Katorse lang talaga ang pinapanood ko). Pasado 4:30 am na noong nagising ako. Umuulan. Malamig. Ang tangi ko lamang natatandaan ay ang nanay kong nakahiga sa kama na nag-dilang anghel: “Baka walang pasok, umuulan e.”. Hindi ako nagpaapekto sa sinabi niya dahil maraming gumugulo sa isip at diwa kong lulong pa sa tulog. Ilan sa mga ito ay ang mga ss:

Una, kailangan kong i-sacrifice ang unang subject ko dahil may mahalaga pa akong misyon na dapat gampanan sa aming church(INC po).

Pangalawa, hahabol na lang ako sa first subject ko kung kakayanin, dahil baka may QUIZ!

Pangatlo, Namumulubi ako sa pera.(parati naman)

Pang-apat, Tungkulin kong mag-reply sa mga kaklase kong sandamakmak na nagte-text kung may pasok ba.

Pang-lima, Paano ko sila rereply-an kung wala naman akong load? So, magpapaload ba ako?

Pang-anim, Namumulubi ka na nga, tapos magpapaload ka pa.

Pang-pito, Ako ang mangongolekta ng Lab reports sa Microbio.(hindi dahil sa martyr ako, ngunit ako ang pinakatamad na presidente ng klase)

Pang-walo, May chismis na may Quiz daw kami sa last subject namin. Kaya sa skul na lang ako mag-aaral (tulad ng nakasanayan)

Pang-huli, Uuwi ako ng maaga (slash TATAKAS) mula sa Last subject ko dahil may importante ulit akong gagawin.

Inshort, SUPERHUMAN-in-checkered-green-and-yellow-uniform ako that day.

Hindi na ako nagbreakfast. Kundi naligo, nagtoothbrush, nagbihis, nagsuot ng contact lens(pag wala ito, bulag ako), nagpulbo, nagpabango, at naghanap ako ng payong. Malaking problema iyan. Tinanong ko ang lola ko kung nasaan na ang payong na folding. Sinagot nya ako na dinala ko daw yon kahapon. Nagflashback sa memory ko na naiwan ko pala ito sa physics room. Ang tanging payong na naiwan sa bahay ay yung mahabang hawakan na makikita mong dala-dala ng nanay o tatay mo pagpupunta kung saan lalo na sa palengke. No choice dahil sawang-sawa na ako sa pakikipagpatintero sa bawat patak ng ulan sa daan. Umalis ako ng bahay na dala-dala ang pag-asa na sana maging successful ang araw ito. (sana lang) at dala-dala na rin ang payong na may tatak na “mister donut”.

UNANG DESTINASYON: (KAPILYA)

Sa totoo lang, magbabahay-bahay kami noon sa mga inactive. Ang hirap talaga i-explain kaya pasensya na. Basta natapos yoon ng 7:30 am. Kamusta naman. 7:30 din pasok ko. Biniro pa ako ng kasama ko:

Siya: “Anong oras pasok mo?”

Ako: “7:30 po”

SIya: “Wow! Sakto lang ah. Sige alis ka na, hahaha”

The end

Hindi niya alam na isang oras pa bago ako makarating sa patutunguhan ko.

2nd DESTINASYON: (FEU-Manila)

Kabado akong sumakay ng tricycle, tricycle pa ulit, at nagjeep, at nag-lrt mula EDSA hanggang DOROTEO JOSE. 12 stations ata yun. Oh diba. Iyan ang araw-araw kong buhay sa umaga.

Pagbaba ko ng d.jose station, hindi ko alintana ang pagbuhos ng ulan habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep sa may kanto ng Recto, hawak-hawak ang pinakamagandang payong sa balat ng lupa.

Sumakay ako ng JEEP…

At ito ang mga sumunod na nangyari:

HIGHLIGHTS:

May tumabi sa kanan ko na isang lalaki na kayumanggi, 25-35 siguro, nakaputing tshirt at maong na pantalon. Normal na ang krimen sa Maynila, lalo na at nasa Recto ka. Minsan na din akong naging biktima noong 3rd day ng klase ko noong 1st yr ako. Hindi naman lingid sa akin kung ano ang ginagawa niya. Dumukot siya sa bulsa nya na kadikit ng bulsa ng palda ko (siksikan sa jeep). Ang natatandaan ko ay isang hamak na suklay lang ang laman ng bulsa ko. Normal sa pasahero na dumukot ng pambayad. Pero hindi normal na matagalan ng sampung segundo ang pagdukot at dumudukot habang nakatingin sa katabi. Nang mapagtanto nya na suklay lang ang laman ng bulsa ko, dali-dali siyang bumaba. Nagtinginan sa akin ang ibang pasahero. Naisip nila ang naisip ko. Syempre, ako ang nagwagi. The end.

Bumaba ako sa Gate 3 ng unibersidad ko. Nagmamadali akong umakyat ng 5th floor ng Nursing building. 8:45 na nang dumating ako. Hindi pa tapos ang first subject. Sumilip ako sa mula sa glass portion(pakitagalog na lang) ng pinto. Nakita kong nagtuturo ang guro namin. Kinawayan ko ang mga kaklase kong taimtim na nakikinig at natutulog. Lumabas ang isa at sinamahan ko siya sa CR para suminga.(bongga). Ayon sa kanya, wala naman daw quiz, pero siyempre absent ako sa attendance. Dahil sa takot na baka pagalitan ako kung papasok pa ako ng room, naghintay na lang ako sa CR habang nakikipagtitgan sa sarili sa loob ng kinse minuto.

Sa wakas, hindi naman nabasag ang salamin na kanina ko pa tinititigan. Naglabasan na ang mga kaklase ko,. Tanda na tapos na ang klase. Lahat ng barkada ko ay nakangiwi sa akin. Swerte ko daw dahil wala daw quiz. Iniba ko ang usapan at kinuwento ko ang kagila-gilalas na pangyayari sa jeep kanina. Naglakad kami papunta sa 2nd subject naming sa kabilang building. Malamang, bida na naman ako sa kuwento.

Pagdating sa physics room, hinanap ko ang naiwan kong payong na folding. Tulad ng inaasahan ko, wala na ito roon. Nalungkot ako at umabot ng tatlong segundo bago ko natutunang ngumiti (mula kay bob ong). Tinanggap ko na lang na wala na ang payong na iyon at nagmove-on,

Lahat ay busy at paroo’t parito sa bawat sulok ng kwarto para mangopya ng sagot sa Lab reports sa Microbio, isa na ako doon. Sa gitna ng talamak na kopyahan, dumating ang pinakapoging propesor sa balat ng feu. Napakganda ng entranda nya:

Sir: “Ok class, Antayin na lang natin na masuspend ang klase.”

(Nagsigawan ang buong mundo.)

Lahat kami ay nag-abang ng announcement. Pero hindi kami masyadong umaasa sapagkat masuspend man ang buong school sa Maynila, hindi pa suspendido sa FEU. Matapos ang isang oras ng pakikipagkwentuhan sa kaklase na suspended na ang USTE, bigla na lang nagsigawan ang mga tao sa hallway. Suspended na nga. Ito ang pinakamagandang parte sa buhay ng estudyante.

Bago umalis ang lahat ng kaklase ko, ipinasa nila sa akin ang mga lab reports at siyempre, ang mga kaibigan ko ang nahuling umalis ng klase. Sinamahan nila akong ipasa ito sa faculty room. Pagkatapos ay nagpaalam na kami sa isa’t isa. Apat na lang kaming sabay sabay umuwi. Ngunit 11am na iyon at hindi pa ako nagbreakfast katulad nila. Kaya kumain kami saglit sa TAYUMANsa lob ng campus(nakatayo kasi pagkakain kaya ganyan ang name). Doon pa lang, hanggang sakong na ang baha. Habang kumakain ng ham and cheese sandwich, may kumalabit sa akin. Aba, ang long time no see kong classmate nung 1st yr na nagshift ng Masscom. Matapos makipagchikahan tungkol sa barn buddy at resto city, sabay sabay na kaming umuwi.

3rd DESTINASYON (LRT- DOROTEO JOSE)

Dito nagsimula ang kalbaryo. Nagpaa yung dalawa kong kasama dahil babaho daw ang sapatos pag nabasa. Baha na along Recto. Para hindi kami lumusong sa gabewang na baha, nag-underpass kami. Pero matapos nun, wala talagang kawala sa baha, magpepedicab sana kami kaso bente daw. Tubong lugaw no. Nagalit pa yung driver nung hindi kami sumakay. Tapos nakangiti pa kaming naglakad papuntang Isetann mall pero hanggang paa pa lang ang baha at hindi kulay itim. Bumili yung mga kasama ko ng chinelas worth p35. Hindi nila pinatulan yung p95 na havaianas. Haha. Bibili sana ako, pero namumulubi nga ako diba.. Napagdesisyunan naming na sa LRT-2 na lang kami aakyat tapos may daan na doon papuntang LRT-1. Pero baha na papunta doon at itim na itim ang tubig. Naalala ko na may open wound ako sa paa. Yung isa kong kasama, may open wound talaga sa binti, kaya nagpedi cab kami, p5 daw. Ok fine. Sunggab. Pero yung kasama naming tatlo, lulusong na lang daw. Kaya sa LRT-2 na lang kami nagkita. Sulit naman ang limang piso.

Kasama1: “Kadiri lumusong sa baha. Nawala poise ko dun ah,”

Kasama2: “Oo nga eh., May sumabit pang tootoot(clue:buhok) sa paa ko. Kanino kaya yun hahaha.”

Laspag kaming naglakad mula LRT2 hanggang LRT1. Dalawa na lang kami ng kasama ko. Taga-taguig din kasi siya. Yung tatlo naman, papuntang Monumento.

4th DESTINASYON (PASAY ROTONDA and AYALA)

UMUULAN!!!

Mula Doroteo jose station, sumakay kami ng LRT hanggang Edsa-Taft Ave.

Pag-baba ng Pasay Rotonda, napatulala kami sa aming nakita. Ang Main Road na daanan ng iba’t ibang ruta ay nagging INSTANT LAWA na! Wala kang makikitang usok ng sasakyan dahil puro bata na lamang na nagfreestyle at backstroke at star float ang makikita mo. Kaya no choice kami ng kasama ko.

Tara, MRT tayo.”. Yan ang tangi naming nasambit. Sumakay kami ng MRT at bumaba sa Ayala. Basang basa na ang palda namin. Katulad ng inaasahan, walang bus o fx na papuntang FTI. Mawawalan na kami ng pag-asang makauwi pero naisipan naming na sumakay sa Global City Bus na papuntang Market!Market!.

Sobrang sakit na ng paa naming kakalakad pero tinyaga namin. Pagdating doon, walang BUS!!! Andaming naghihitay na tao sa malaking waiting shed. Nagpahinga kami saglit ng kasama ko. Matapos ang kinse minuto ay dumating ang bus. Dahil sa kasabikang umuwi, nauna kami sa pila. Wala kaming paki kung magalit yung mga tao sa likod namin. Tsk. Ayun, nakaupo din kami sa bus sa wakas pero diyahe din kasi pwedeng pigaan yung palda namin. At ginaw na ginaw na kami. Pasado 2:00pm nung nakasakay kami sa bus.

5th DESTINASYON (MARKET!MARKET!)

2:35pm kami nakarating sa Market!Market!. Pero tulad ng inaasahan, walang jip! Kahit taxi ayaw magpasakay kasi BAHA DAW SA C5!! Potek.. goodluck!

Tinawagan ng kasama ko ang nanay nya paramagpasundo. Ganun din ginawa ko pero pareho lang ang sinagot sa amin..

“BAHA, WALANG MASAKYAN DITO”

“ PAANO PUPUNTA DIYAN EH BAHA NGA.”..

“MAGPATILA KAYO MUNA”

“MAGLAKAD NA LANG KAYO!”

Nainis na ang kasama ko sa nanay niya kasi binabaan pa daw siya ng telepono.(natawa ako sa reaksyon nya grabe)

Mahirap man tanggapin na sobrang layo kung lalakarin namin, tinanggap na lang naming at sinimulang maglakad.

Nakakita kami ng Julie’s Bakeshop malapit sa Entrance ng Mall. Bumili kami para hindi tamarin sa paglalakad.

Nagawa pa naming magbiro.

Kasama: “Bakit andami mong binili?”

Ako: “Hanggang bukas pa ito. Habang naglalakad.”

HIGHLIGHTS: ARJAPA TAXI TWK-654

Sinimulang naming ng 3pm ang paglalakad. Hindi lang pala kami ang nakaisip maglakad, Maraming tao ang nag-aalay lakad dahil walang masakyan. Nang makarating kami ng Petron, May nagmagandang loob sa amin na tricycle driver para isakay kami. Siningil kami ng p10. Malapit sa BCDA kami ibinaba. Doon lamang naming naintindihan ang pangyayari. Kaya pala walang masakyan ay dahil hanggang dibdib na daw ang baha sa C5. Kinabahan ang kasama ko dahil hanggang dibdib ko lang siya.(totoo yan) Nagcounterflow na din ang mga sasakyan. Wala na kaming magawa. Papanawan na sana kami ng pag-asa nang biglang nakita naming ang TAXI ng kasama ko. Sumakay kami at sumubok ng ibang ruta. Idinaan sa McKinley papuntang C5. Trapik pa din sa aming biyahe. Basa na ang inuupuan ko. Sa loob ng taxi, napagisipan kong buksan ang bag ko. Muntik na akong maiyak sa nangyari. Basa ang libro at notebook ko. Pati ang test paper ko sa physics na ipapakita ko pa sana sa mama ko. Lahat yun, basa. Naghawa-hawa ng kulay ng tinta.

Ibinaba ako sa kanto namin. Pagkauwi ng bahay, nagpainit ako ng tubig dahil nangangatog na ako sa lamig. Pag di naagapan, baka magmistulang Jack ako sa Titanic.

Sa kahuli-hulihan, nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil buhay akong nakauwi ng bahay at hindi ako inanod ng baha at hindi naputol ang paa ko sa paglalakad at hindi ako nagkahypothermia at hindi binaha ang bahay namin at walang quiz sa major namin.

First time kong makaranas nito kaya shineshare ko lang.

ALam ko na sisiw pa itong dinanas ko kumpara sa dinanas ng ibang tao na nawalan ng tirahan at ari-arian, at ang masaklap ay nakitil ang buhay. Ang mahalaga, humihinga pa rin tayo ngayon. Pangalawang buhay na ito kung tutuusin. Kaya huwag natin sayangin ito. Maging makabuluhan sana ang bawat isa sa atin.

Moral Lesson: Mother knows the best.


P.S. MARAMING THANK YOU KAY PRECIOUS ANNE ARRANGUEZ a.k.a. P.A. at kay MANONG TAXI DRIVER NILA. KUNG HINDI DAHIL SA INYO, EWAN NA LANG..